Dianne Medina inaming crush na si Rodjun Cruz noong 2006 pa: ‘I was only 19 years old…’

Dianne Medina inaming crush na si Rodjun Cruz noong 2006 pa: ‘I was only 19 years old…’

PHOTO: Instagram/@rodjuncruz

NAGKAROON ng rebelasyon ang TV host-actress na si Dianne Medina kasabay ng 36th birthday ng kanyang mister na aktor na si Rodjun Cruz.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ni Dianne ang throwback pictures nilang mag-asawa mula sa kanilang prenup shoot noon.

Happy Happy Birthday to the most important person in my life — my husband, my bestfriend, my everything @rodjuncrus [red heart emoji],” mensahe ng TV host sa kanyang asawa.

Kasunod niyan ay pinasalamatan niya si Rodjun sa pagiging mabuting mister at ama ng kanilang anak na si Joaquin.

Wika niya sa post, “Thank you so much for everything—for being a good husband and father to Joaquin, for working hard for us and for being a good provider.”

Baka Bet Mo: Dianne Medina muling nagkamali, sinupalpal ng netizens: ‘Eto na naman! Hindi pinag-aralan ang report’

“Thank you for taking care of me and Joaquin. Mahal na mahal kita, Baby. I wish you good health, success and more blessings on your special day,” patuloy niya.

Bukod diyan, ibinunyag ni Dianne na taong 2006 pa niya naging crush si Rodjun.

Ito raw ‘yung panahon na nagkakilala silang dalawa at batang-bata pa siya.

“Happy Birthday to my crush since 2006 hehehe! [red heart emoji],” pag-amin niya.

Kwento pa ng aktres, “Yes, I was only 19 years old when I met Rodjun and crush ko siya hindi lang dahil gwapo siya kundi dahil napakabuti ng PUSO mo! Super bait talaga!”

“Aniya pa, “So lucky and honored to be your partner in life!”

Tila na-touch naman mismo si Rodjun sa sweet message ng kanyang misis at reply niya sa post, “Awww! I love you so much my wife wife! Kayo ni Joaquin ang greatest blessing ko. Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang buhay ko! [emojis]”

Taong 2019 naman ikinasal sina Medina at Rodjun, habang noong 2020 naman nang magkaroon sila ng anak.

Bumati rin kay Rodjun ang kanyang kapatid na si Rayver Cruz kung saan ibinandera naman nito ang kanyang paghanga.

“To my brother king @rodjuncruz happy happy birthday sayo!! alam mo naman bro kung gaano kita ka mahal since day 1,” saad niya sa isang Instagram post.

Chika pa niya, “Ikaw ang nagturo sakin ng lahat at talagang naka-support sakin palagi.”

“Proud ako sayo kasi napakabuti mong tao, kaibigan, ama, kapatid asawa at anak. Hindi lang ako ang nai-inspire mo sa pagka-positive mo bro kundi kaming lahat na nagmamahal sayo,” ani pa ni Rayver.

Komento naman diyan ni Rodjun, “Awwww. [crying face emoji] I love you so much my brother King @rayvercruz [emojis] Thank you ! Solid forever [emojis].”

Related Chika:

Dianne Medina, Rodjun Cruz super happy, nakauwi na ang anak matapos tamaan ng dengue

Read more...