HANGGANG ngayon, walang kupas pa rin sa ganda ang ilan sa mga isla sa ating bansa.
Kaya naman, muli nanamang kinilala internationally ang tatlong lugar na sikat na sikat na sa mga turista, ito ang Boracay, Palawan at Siargao.
Ang mga nabanggit ay tinaguriang “Best Islands in Asia” ng Reader’s Choice Awards of world lifestyle media na “Conde Nast” para sa taong ito.
Mula sa top ten, pasok sa ikatlong pwesto ang Boracay na nakakuha ng score na 90.74.
Baka Bet Mo: Nadine ikinumpara ang Siargao sa Manila: Dito kasi ‘pak, pak, pak, done’, pero sa isla, ‘ah okay nice…’
Ang Palawan ay nasa sixth place na may score na 89.71, habang ang Siargao ay may 87.37.
Samantala, Ang Bali sa Indonesia ang nangunguna sa listahan na may score na 91.08.
Sumunod naman diyan ang isla ng Koh Samui ng Thailand sa score na 91.07
Ilan pa sa mga napabilang sa “Best Islands in Asia” ay ang Phuket sa Thailand, Langkawi sa Malaysia, Sri Lanka, Phu Quoc sa Vietnam at Okinawa & Ryukyu Islands sa Japan.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Department of Tourism (DOT), ang pagkilala sa tatlong isla ng ating bansa ay dahil sa pagtutulungan ng ating mga kababayan, pati ng gobyerno.
“This achievement reflects the hard work, dedication, and sustainable tourism efforts of our country, from our local communities, national and local government agencies, and stakeholders who have strived tirelessly to preserve and enhance the beauty of these islands,” sey ni Tourism Secretary na si Christina Frasco.
Related Chika:
Marian Rivera kabogera sa kanyang 38th birthday shoot: Beyond grateful for all of you