Ivana lumafang ng tipaklong, alakdan sa Thailand, hirit sa mga lalaking gustong humalik sa kanya: ‘Magtu-toothbrush ako after nito’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Ivana Alawi
FOOD trip kung food trip ang drama ng Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi kasama ang ilang kaibigan sa paglilibot nila sa Bangkok, Thailand.
Mapapanood ito sa kanyang latest YouTube vlog kung saan talagang sinulit daw ng dalaga ang ilang araw na pananatili nila sa nasabing bansa kamakailan.
May endorsement shoot daw si Ivana sa Bangkok kaya naglaan na rin siya ng panahon para makapaglibot sa ilang tourist spots doon at makalafang ng iba’t ibang uri ng pagkain sa Thailand.
Tinray nila ang ilang food na itinitinda sa isang karinderya roon kabilang na ang drunken noodles at crispy rice vermicelli. Sinubukan din nila ang bestseller doon na crab omelette.
Kasunod nito, tapang-tapangan ding tinikman ni Ivana ang tipaklong. Pero isang subo pa lang niya ay napangiwi na agad ang dalaga at maluha-luha pa, senyales na hindi niya type kumain ng tipaklong.
Hirit pa ni Ivana, “Sana halikan n’yo pa rin ako.”
“Masarap ‘yan tapos may iki-kiss ka ngayon,” biro naman ng kanyang kaibigan.
Sagot naman ni Ivana, “Ay, hindi ngayon. Pag-uwi ko patay ka sa akin. Doon mo malalaman kung mahal ka talaga ng tao.”
Sa huli, pabirong nag-sorry si Ivana sa kaniyang ina dahil sa mga pinaggagawa niya sa Thailand kasama ang mga kaibigan.