Jillian Ward pinuri ni Direk Rico Gutierrez, alagang-alaga sa taping: ‘Ang feeling ko po baby pa rin nila ako’

Jillian Ward pinuri ni Direk Rico Gutierrez, alagang-alaga sa taping: 'Ang feeling ko po baby pa rin nila ako'

Jillian Ward

MISMONG ang Kapuso director na si Rico Gutierrez ang nagsabi na malayung-malayo pa ang mararating ng tinaguriang Star of the New Gen na si Jillian Ward.

Bilib na bilib si Direk Rico sa professionalism at dedication ng dalaga sa kanyang trabaho na napatunayan niya sa pagsasama nila sa bagong season ng “Daig Kayo Ng Lola Ko”.

Si Jillian ang bida sa superhero story na “Captain Kitten” kung saan gumaganap siya bilang si Alice, ang original apo ni Lola Goreng, na ginampanan noon sa “Daig Kayo ng Lola Ko” ng veteran actress na si Gloria Romero.

“Of course, siyempre, si Jill minsan sinasabi namin, ‘Jill okay ka pa? Isa pang take?’ Sasabihin niya, ‘Kaya pa Direk, kaya pa natin yan.’

“Na-appreciate ko kay Jill ‘yun, na bilang napaka-professional niya. At gusto ko lang din sabihin na parang bilang siya ang parang pambansang soap ng bayan, ‘yung kanyang longest soap (Abot-Kamay na Pangarap), minsan, siyempre may cut off siya sa amin.

Baka Bet Mo: Jillian Ward ayaw pang magpaligaw at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod na project si Vice Ganda

“Kasi, the next day kailangan siya mag-shoot ng soap niya. Pero ibinibigay pa rin niya ‘yung 100 percent niya. Hindi siya nagpapakita na inaantok siya or pagod siya or nagmamadali siya. Na-appreciate ko ‘yun Jill, napaka-professional mo talaga,” papuri ng direktor sa dalaga.

Samantala, refreshing para kay Jillian ang muling pagbibida niya sa “DKNLK” dahil nga heavy drama ang “Abot-Kamay na Pangarap.”

“Ang dami ko po na-gain pa po na knowledge and experiences po sa iba ko pong TV shows like Prima Donnas and Abot-Kamay na Pangarap.


“So, ngayon medyo mature na po talaga ‘yung atake ko sa mga eksena. So, medyo nag-iba po talaga.

“Pero, sabi ko nga po kanina ang trato po sa akin ng Daig family is ‘yung parang batang Jillian pa rin po, parang ang feeling ko po baby pa rin po nila ako parang ganu’n,” sabi naman ni Jillian sa panayam ng GMA Network.

Baka Bet Mo: Jillian Ward wish maging superhero: ‘Pag napapanood ko po si Wonder Woman nae-empower ‘yung pagkababae ko’

Chika pa ni Jillian super challenging din ang role niya bilang superhero sa “Captain Kitten”, “Dati po kasi naging part po ako ng Captain Barbell. Ako po doon si Super Tiny.

“Sobrang cute, kasi parang ganyan din ‘yung costume ko noon. As in same color, tapos meron pa pong mask. As a dalaga na po, first action role ko po siya.

“Ang saya po kasama ng cast mates ko and the production. Tapos, nasakto pa po like nag-birthday si Direk Rico, so sakto po na kami ‘yung kasamang cast.

“Medyo naging challenging po siya for me, kasi nakakapagod po pala na mag-action scenes, mag-fight scenes.

“Tapos naka-costume ka pa po na parang naka-bodysuit. So, something new po talaga siya para sa akin,” pahayag pa ng dalaga.

Read more...