Kathryn shookt pa rin sa Hollywood premiere ng movie nila ni Dolly: ‘Ramdam mo talaga ‘yung suporta ng Filipino community, kaya salamat po!’

Kathryn shookt pa rin sa Hollywood premiere ng movie nila ni Dolly: 'Ramdam mo talaga 'yung suporta ng Filipino community, kaya salamat po!'

Dolly de Leon at Kathryn Bernardo

RAMDAM na ramdam ng Box-office Queen na si Kathryn Bernardo ang init ng pagmamahal at pagsuporta ng libu-libong kababayan natin sa Amerika.

Nagtungo si Kathryn kasama ang internationally-acclaimed actress na si Dolly de Leon sa Los Angeles, California para sa Hollywood premiere ng pelikula nilang “A Very Good Girl.”

Doon, nakilala at naka-bonding nina Kath at Dolly ang Filipino-American community na talaga namang sumuporta ng bonggang-bongga sa kanilang pelikula.

“Thank you everyone for being here. It’s so nice to see such warm, friendly, and happy, and loving faces. Thank you for such a warm welcome here in LA.


“It’s so nice to be here and thank you for supporting A Very Good Girl,” ang pahayag ni Dolly sa naganap na Educational Panel for Creatives event sa LA base sa report ng ABS-CBN.

Sey naman ni Kathryn, “Thank you so much for being here. Salamat po sa lahat nang nagpapakita ng suporta for A Very Good Girl. Grabe ‘yung pagsuporta niyo.”

Baka Bet Mo: Ogie Alcasid: Kailangan na nating kumilos, napakarami na pong problema ng Pilipinas

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na um-attend ang girlfriend ni Daniel Padilla ng Hollywood premiere ng kanyang movie at hinding-hindi raw niya ito makakalimutan.

“I am pretty overwhelmed sa lahat nang nangyayari kasi kanina first time kong ma-experience all the junket interviews and yesterday but then it’s a good kind of surprise kasi ramdam na ramdam mo ‘yung suporta ng Filipino community dito so salamat po,” pahayag ng dalaga.

Nang tanungin naman si Dolly kung ano ang naging reaction niya pagkatapos mabasa ang script ng “A Very Good Girl”, “My mind was blown talaga when I first read it.

“Kasi ‘yung mga lines ang snappy tapos ang quick-witted lalo na ‘yung character niya (role ni Kathryn) so I found it so exciting to do.

“Although the first draft kasi needed a lot of work, they worked on it naman and it was a process talaga. We just wanted to make sure that we would be servicing the characters well. Pero the first time it got me really so excited,” dugtong pa ni Dolly.

Para naman kay Kathryn, “Nu’ng pitching pa lang, I got excited na and at the same time a bit nervous kasi nga baka hindi pa ready ang mga tao. But na-excite na ako dun sa concept pa lang kasi ang ganda.

“You have to find the right project, ‘yung gustong gusto mo siya gawin kasi lalabas siya sa materyal and hopefully iyon ‘yung ma-feel ng mga tao while watching it, how much we enjoyed doing it and how much we loved the characters.

“Kaya siguro ganung energy lumabas. Ganun sa set. Lahat mahal ‘yung project na ‘to,” aniya pa.

Kathryn Bernardo, Dolly de Leon rumampa sa Hollywood premiere ng ‘A Very Good Girl’

JK Labajo pinatunayan ang galing sa pagkanta at pagdadrama sa ‘Ako Si Ninoy’; Vince Tañada may inamin sa premiere night

Read more...