Hirit ni Sylvia: ‘Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili kay Maine, sobra niyang sinusuportahan si Arjo’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Maine Mendoza, Sylvia Sanchez at Arjo Atayde
NATUTUWA at bilib na bilib si Sylvia Sanchez sa ginagawang pag-aalaga at pagsuporta ni Maine Mendoza sa kanyang anak na si Cong. Arjo Atayde.
In fairness, talagang mahal na mahal din ni Ibyang at ng buong pamilya Atayde si Maine, dahil bukod nga sa mabait at marespeto ito ay nararamdaman talaga nila ang sobrang pagmamahal nito kay Arjo.
Kuwento ng award-winning actress, si Maine na ang nakakasama ngayon ng kanyang anak sa mga lakad nito sa ibang bansa na may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang producer at aktor.
Talagang sumasama ang TV host-actress sa mga trips abroad ng kanyang mister para suportahan ito nang bonggang-bongga.
Ang huli nga ay sa naganap na international exhibition ng pelikulang “Topakk” na ipinroodys ng Nathan Studios, na pag-aari ng pamilya Atayde.
“Si Maine, asawa na niya, natutuwa na ako. Less na ako sama-sama sa kanya. Nakakatuwa kasi talagang si Maine, misis na misis kay Arjo,” ang chika ni Sylvia nang ma-interview ng ilang members ng media sa celebrity premiere ng Japanese drama na “Monster” sa SM Megamall last October 3.
Pagbabahagi pa ni Ibyang, “Talagang sobra niyang suportahan si Arjo. Nandu’n siya talaga. Talagang nakikita kong mabait siyang asawa.
“Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili kay Maine. Nakampante siya, nakampante ako na merong Maine Mendoza na nag-aalaga at nagmamahal sa anak ko ngayon,” sabi pa ng premyadong aktres.
* * *
Patok agad sa netizens ang dance challenge ng bagong awitin ni Darren na “Bibitaw Na” na meron ng mahigit sa 1.3 million views sa TikTok dalawang linggo matapos ilunsad ang kanta.
Bukod sa fans ng Kapamilya singer, nakisali na rin sa maikling dance sequence ang mga kilalang personalidad tulad nina Martin Nievera, KZ Tandingan, Colet at Sheena ng grupong BINI, at Cassy Legaspi.
Samantala, nag-perform din kamakailan ng Asia’s Pop Heartthrob sa “It’s Showtime” with his newest dance-pop track at inalay pa nga niya ito sa mga gusto nang bumitaw mula sa kani-kanilang pinagdadaanan.
“Sa lahat ng mga nakaranas na ng sitwasyon na ganun who found themselves in the same light na kailangan nang bumitaw for their own good, para sa inyo po ito,” ani Darren.
Una nang inilarawan ni Darren ang heartbreak song bilang “perfect relapse-no-more anthem.” Inilunsad niya ito noong Setyembre 15, ilang araw matapos niyang iparinig ang kanta sa “ASAP Natin ‘To” sa Milan.
Tuloy-tuloy pa rin ang excitement sa first single ni Darren sa ilalim ng Star Music dahil nakatakda nang ilabas ang music video ng “Bibitaw Na” ngayong Oktubre.
Patuloy na pakinggan ang “Bibitaw Na” at makisaya sa #BibitawNaDanceChallenge sa TikTok.