Alex may hugot daw sa pagbubuntis: ‘It may be painful today but we are joyful that God’s will prevailed…in His own time’
BUNTIS nga ba ang TV host-actress at content creator na si Alex Gonzaga sa panganay nila ng asawang si Mikee Morada?
Yan ang nagkakaisang tanong ng mga netizens nang makita nila ang isang short video ni Alex at ng kanyang sisteraka na si Toni Gonzaga sa Instagram.
Makikita sa nasabing clip ang magkapatid na sumasayaw. May nakasulat ditong text na “Mas magaling talaga mga bunso sa ate.”
Baka Bet Mo: Mikee Morada nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng asawa: Nandito ako para sa iyo
Base sa mga nabasa naming reaksyon ng netizens sa comment section ng IG post ni Alex, para raw buntis ang actress-vlogger base raw sa medyo nakaumbok na tiyan nito.
“Buntis ata si Alex.”
“Yes tingin ko din kasi mag 2 weeks na wala siyang bagong vlog. Sana nga Lord buntis na si ALex G.”
“Yup i think that time pero sa new post niya parang na part 2 siya ulit.”
“Prang gnun nga ung post.. God is taking care of them.. may His embrace be with them always! @cathygonzaga you’re in my prayers.”
“Buntis po. Nag post sa fb pero ayaw pa nla i-announce.”
Ang sinasabing post ng mga nagkomento ay ang litrato ni Alex at ng asawa niyang si Mikee na kuha sa loob ng kanilang sasakyan. Ibinahagi rin ito ni Alex sa kanyang IG account.
Ang caption na inilagay ng aktres dito ay, “Painful and yet joyful. Cast your cares on the LORD and he will sustain you.
“He will never let the righteous be shaken. And He did! Today we received a news how God wanted it to be. Thank you Lord Jesus,” pagbabahagi ni Alex.
Aniya pa, “Praying one day by God’s grace we will be able to tell a beautiful testimony on How God answered our prayer.
“Thank you for the grace that gives us peace and acceptance. It may be painful today but we are joyful that God’s will prevailed. In His own time,” ang mensahe pa ng TV host.
Nagkomento naman sa post ni Alex ang asawang si Mikee, “Love you my strong wife! As long as you’re ok, i am ok.”
Bumuhos naman ang pagbati sa mag-asawa mula sa mga netizens dahil feeling nila ay buntis na uli si Alex.
Pero meron namang nagsabi na parang iba ang dating sa kanila ng sinabi ni Alex na, “It may be painful today but we are joyful that God’s will prevailed. In His own time.”
Kung matatandaan, noong 2021 ay nakunan si Alex sa una sana nilang baby ni Mikee dahil sa “anembryonic pregnancy”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.