TALAGA nga namang Christmas is in the air na.
Sa bagong palabas ng Columbia Pictures ang tinaguriang “greatest story ever told” ay bibigyang buhay ito sa pamamagitan ng pelikula.
Humanda nang makisayaw at kumanta, dahil ang istorya ng pag-iibigan ni Mama Mary at Joseph, pati na rin ang pagsilang ni Hesu Kristo ay magkakaroon na ng live-action musical film na “Journey to Bethlehem.”
“A young man torn between love and honor. A jealous king who will stop at nothing to keep his crown,” saad sa inilabas na pahayag ng film production.
Dagdag pa, “This live-action Christmas musical adventure for the entire family weaves classic Christmas melodies with humor, faith, and new pop songs in a retelling of the greatest story ever told – the story of Mary and Joseph and the birth of Jesus.”
Baka Bet Mo: Xian Lim inirereklamo sa basketball noong bata dahil super tangkad
Ang upcoming Christmas musical ay pinagbibidahan nina Fiona Palomo bilang “Mama Mary”, Milo Manheim as “Joseph”, at Antonio Banderas na gaganap naman bilang si King Herod.
Bukod sa tatlo, tampok din sina Omid Djalili, Rizwan Manji, Geno Segers, MŌRIAH, Joel Smallbone, Lecrae, Stephanie Gil at Academy Award Nominee na si Antonio Banderas.
Mula ito sa direksyon ni Adam Anderson, ang naging executive music producer ng hit movie na “Glee.”
Ang pelikula ay prinoduce nina Brandt Andersen, Adam Anders, Ryan Busse, Stephen Meinen, Alan Powell, at Steve Barnett.
Ang “Journey to Bethlehem” ay nakatakdang ipalabas sa Diseymbre sa mga lokal na sinehan.
Related Chika:
Mary Joy Santiago pumirma ng kontrata sa Viva, susunod raw sa yapak ni AJ Raval?