SUPER ready na ang ating pambato sa Miss Universe pageant na si Michelle Dee!
Sa isang interview with “24 Oras,” sinabi ni Michelle na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maiwasan ang magkaroon ng anumang “flaws” o pagkakamali sa kanyang pagsabak sa international competition.
Pagbubunyag pa niya na halos araw-araw siyang nagte-training upang siguraduhin ang kanyang magiging laban.
“Tuloy ang training almost every day. We also have requirements to fulfill, and responsibilities with our sponsors,” sey niya.
Paliwanag pa niya, “If you see my schedule this month, puno talaga. But of course, we have to know how to choose our priorities.”
Baka Bet Mo: Michelle Dee certified ‘Mandirigma’ na ng AFP; tagumpay sa Miss Universe PH 2023 ipagdarasal ng mga Pinoy
Nabanggit din ni Michelle na nakatakda siyang lumipad sa El Salvador, kung saan gaganapin ang nasabing kompetisyon, sa darating na Nobyembre.
Bukod diyan, ibinunyag din ng ating pambato na ang kanyang gowns ay ginawa ni Mark Bumgarner.
Para sa kaalaman ng marami si Mark ang gumawa ng black evening gown noong naganap ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 pageant kung saan nakuha ni Michelle ang “Best in Evening Gown” award.
Hindi na nagbigay ng clue si Michelle kung ano ang magiging disenyo ng susuoting gowns sa international pageant, pero ito ang sinabi niya: “Let’s just say na same siya sa Miss Universe Philippines 2023. It’s Mark Bumgarner, of course.”
“He knows what I want to achieve. He knows the vision. I truly believe that the gown will become iconic afterwards,” saad pa niya.
Tiniyak din ng Miss Universe Philippines 2023 na 200% ang ibibigay niya para sa kompetistyon.
“I’m giving it everything that I have. Two hundred percent of myself, I’m dedicating it to my crown,” dagdag niya.
Aniya pa, “I’m working on the different aspects of my campaign just to make sure that when I fly to El Salvador, I’m 100% ready. Walang mahahanap na butas.”
Samantala, bukas na ang online voting ng Miss Universe at pupwede niyo nang iboto kung sino sa mga kandidata ang nais niyang manalo.
Kailangan lang i-download ang Miss Universe app at ang unang pagboto lamang ay libre.
Ang mga nagwagi na ng Miss Universe title mula sa ating bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Related Chika:
Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…