Julia may takot para sa pelikula nila ni Alden, humirit sa nang-iintriga sa kanila ni Kathryn: Sabi namin, ‘tayo ang original loveteam’

Julia may takot para sa pelikula nila ni Alden, humirit sa nang-iintriga sa kanila ni Kathryn: Sabi namin, 'tayo ang original loveteam'

Julia Montes at Kathryn Bernardo

AYAW tumigil ng mga netizens sa pagkukumpara at pang-iintriga kina Julia Montes at Kathryn Bernardo ngayong magkasunod na mapapanood sa mga sinehan ang kanilang respective movies.

Certified blockbuster na naman ang comeback movie ni Kathryn na “A Very Good Girl” kasama si Dolly de Leon under Star Cinema, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Susunod namang ipalalabas sa mga sinehan ang pelikula nina Julia at Alden Richards na “Five Breakups and A Romance.” Ito rin ang pagbabalik ng aktres sa pelikula after eight years.

At dahil nga rito, pinagsasabong na naman ng mga netizens ang dalawang Kapamilya actress. Ang tanong ng mga bashers ni Julia, malampasan o mapantayan kaya ng pelikula nila ni Alden at movie nina Kathryn at Dolly?

May mga nagsasabi na malaking pressure ito para kay Julia dahil wala pa raw siya sa level ng pagiging aktres at box-office queen ni Kath.

At isa pa, ito rin ang unang pagtatambal nila ni Alden na naging Box-office Office King na rin sa movie nila ni Kathryn na “Hello, Love, Goodbye.”

Kaya naman sa guesting ng partner ni Coco Martin sa “Fast Talk with Boy Abunda”, kung may takot siyang nararamdaman sa pagbabalik niya sa big screen.

“Yung takot kasi talaga never nawala po sa akin and ‘yung takot ko nagsimula siya before doing the film. Takot ako kung kaya ko, laging ganu’n ‘yung takot ko sa sarili ko.

“But this time, after doing this film, meeting Alden, direk Irene (Villamor), they made me feel na pwede pala ‘yung takot na ‘yun hindi ‘yung takot na kung kaya ko.


“Takot na siya na sana magustuhan siya ng tao. Naniwala na ako sa sarili ko this time,” pagbabahagi ng aktres.

Baka Bet Mo: Kathryn TV lang ang pangarap dati, ngayon nagpapatayo na ng dream house; ‘nakipag-deal’ kay Dolly de Leon

Pressured nga ba siya sa movie nila ni Alden? “Siguro po pressure siya in the sense of dahil ang paningin ng tao after nila Kathryn, kami po. But ako kasi mas proud po ako eh. Du’n ako tumitingin kasi si Kathryn ‘yun, eh.

“Parang akong ate ni Kathryn na every time may naa-achieve siya ako ‘yung pinakaisa sa masasaya.

“So parang imbes na tingnan ko siya as napre-pressure lang, I am proud na si Kathryn ‘yung nandu’n. And kung ible-bless kami with this film, bakit hindi? We’re happy. And Kathryn is very supportive,” paliwanag ni Julia.

Dugtong pa niya, “After her film right now and then kami ‘yung susunod. Parang natataon nga po na lagi kami ‘yung nadidikit pero happy kami kasi ang lagi naming biro sa isa’t isa, tayo ang original love team.

“‘Nami-miss na natin ang isa’t isa, kailan tayo gagawa?’ may ganu’n po kami and our bond is really special,” sey pa ng aktres.

Ano nga ba ang aasahan ng publiko sa movie nila ni Alden, “Siguro dito parang wala kang specific na aabangan. The whole journey of the film lahat po kasi relatable that’s why this is my fastest yes.

“Kasi when I saw the synopsis, nung nagpi-pitch sila sabi ko grabe parang I don’t know if ngayon lang ‘to mangyayari. Parang ito ‘yung pagkukuwento ng pag-ibig na hindi lang masaya ang makikita mo.

“Wala ‘yung process na puro ligawan muna and ito masaya ang moments. Ito iha-highlight po talaga ‘yung hardships nung relationship and sometimes hindi naman talaga laging masaya lang sa relationship and iyon ‘yung magpapatatag.

“Ang main question po dito sa film is how can you fight for your love or how long can you fight for your love?” paliwanag pa niya.

Derek takot na takot nang magka-COVID ang magulang: The scariest thing I’ve experienced in my life

Paolo Contis nagulat nang biglang i-bash ng fans ni Kathryn Bernardo: It was taken out of context

Read more...