Michelle Dee certified ‘Mandirigma’ na ng AFP; tagumpay sa Miss Universe PH 2023 ipagdarasal ng mga Pinoy

Michelle Dee certified 'Mandirigma' na ng AFP; tagumpay sa Miss Universe PH 2023 ipagdarasal ng mga Pinoy

Michelle Dee

MAS marami pang humanga sa Kapuso actress at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee dahil sa bago niyang achievement.

Isa na ngayong Philippine Air Force reservist ang dalaga dahil natapos na niya ang basic citizen military course na talagang kinarir daw niya nang bonggang-bongga.

Nitong nagdaang Linggo, October 1, ibinandera ng actress-beauty queen ang pag-graduate niya bilang bahagi ng  Class 2023 Bravo – Mandirigmang Lumalaban sa Himpapawid (MANLAWID) na may rank na staff sergeant.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ni Michelle sa kanyang fans at social media followers na natapos na niya ang military training last September 30.

Ibinahagi niya ang ilang litrato na kuha sa kanilang graduation ceremony na ginanap sa Philippine Air Force (PAF) Gymnasium sa Villamor Air Base, Pasay City.

Aniya sa caption, “’The best way to find yourself is to lose yourself in the service of others.’

“It’s always been a goal of mine to become a civilian reservist, which for me is one of the highest forms of love for your country! If you’re waiting for a sign – this is it. @1afwr,” sey pa ni Michelle.


Present ang nanay ni Michelle na si former Miss International Melanie Marquez upang personal na saksihan ang graduation ng anak bilang sundalo.

Last month sinimulan ni Michelle ang kanyang military training para magsilbing reservist sa PAF.

Baka Bet Mo: Michelle Dee humakot ng special awards sa preliminary competition ng Miss Universe PH 2022

“Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee has officially entered training to be part of the Philippine Air Force.

“She knows that it’s going to be very challenging, but it’s something she really wants to do for the country.

“As Michelle Marquez Dee says, ‘Service first.’ We salute Michelle Marquez Dee’s dedication to serve!” ang nakasaad sa post ng Miss Universe Philippines sa kanilang official Facebook page.

Sabi naman ng PAF sa kanilang official statement, “under the law, the reserve force may be mobilized by the President to augment the AFP regular force in the event of war, invasion, or rebellion.”

“Army reservists also play a crucial role in providing aid during disaster or calamities, supporting socioeconomic development initiatives, and contributing to the operation and maintenance of essential government or private utilities,” ayon pa sa statement.

In fairness, bumuhos ang congratulatory message kay Michelle mula sa mga netizens na nagsabing mas bumilib pa sila sa dalaga dahil sa kagustuhan nitong makapagsilbi sa bayan at sa mga Filipino.

Siniguro rin nila na susuportahan nila ang paglaban ni Michelle sa Miss Universe at ipagdarasal na maiuwi niya sa bansa ang pinakaaasam na titulo at korona.

Sa darating na November 18 ay lalaban naman si Michelle bilang bet ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador.

Michelle Dee sumabak sa military training para maging parte ng Philippine Air Force

Michelle Dee ‘work mode’ agad sa unang araw ng pagiging Miss Universe PH 2023

Read more...