UMANI ng samu’t saring komento mula sa netizens ang larawan ni Issa Pressman at James Reid na kuha mula sa isang event na ginanap sa Paris.
Marami kasi ang mga nakapansin ng tila pagkakahawig ng dalaga sa dating girlfriend ni James na si Nadine Lustre.
May pagkakarehas kasi ang naging hairstyle maging ang paraan ng pagkaka-make up ni Issa sa Metro Manila Film Festival 2022.
Sa kabila ng pagiging tahimik ni Nadine ukol sa relasyon ng dalawa ay palagi pa ring nadadamay ang aktres dahil na rin sa mga ibang netizens na panay ang kabit sa pangalan niya sa mga nangyayari sa ex-boyfriend.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens ukol sa pagkakahawig diumano nina Nadine at Issa.
“Unang tingin akala ko si Nadine. Gaya pa more,” saad ng isang netizen.
Baka Bet Mo: James Reid ‘very in love’, super happy sa piling ni Issa Pressman: ‘She lights up my day, she inspires me’
Sey naman ng isa, “stay living like that, issa pressman. copying everything about nadine lustre, the ex of your boyfriend. kawawa ka naman.”
“Fan girl era ka dyan teh? Masyadong trying hard,” komento naman ng isa.
Bukod pa rito, may nagsasabi rin na may pagkakapareho ng scenario nina Issa, James, at Nadine sa international stars na sina Hailey Bieber, Justin Bieber, at Selena Gomez.
“So may Selena at Hailey pinoy version na ba?” chika ng isang netizen.
Hirit naman ng isa, “Si Issa Pressman parang may vibes ni Hailey Beiber, yung sila naman ang pinili at mga jowa o asawa pero need pa nila patunayan HAHAHAHAHA.”
Samantala, mukha namang deadma lang sa bashers ang dalawa at abala sa kanilang pagdalo sa Paris Fashion Week.
Sa katunayan, nagmodel pa si Issa sa BYS Fashion Week.
Pagbabahagi niya sa kanyang latest uploas sa Instagram, “Last year, I had my show as a designer, but this year, I did a lil change & did lil walk and it was fun fuunnn especially in a room full of CHRIS NICK angels. Congrats ruuumie Chris Nick!!!”
Related Chika:
James Reid, Issa Pressman may pa-‘soft launch’ nga ba ng relasyon, banat ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’
Issa Pressman nagdiwang ng 26th birthday kasama sina James Reid, Yassi, Julia Barretto