ANG bongga talaga ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon!
Biruin niyo, pagkatapos ng premiere nila dito sa Pilipinas, nandoon naman sila ngayon sa United States para sa kauna-unahang Hollywood premiere ng Star Cinema.
Sa serye ng Instagram post, pak na pak sa pagrampa sa red carpet ang dalawang bida ng pelikula.
Nakasama rin nila ang Filipino-American social media personality na si Bretman Rock na bongga rin ang kanyang looks.
“These photos scream MOTHERS,” caption sa IG post ng Star Cinema.
Baka Bet Mo: ‘A Very Good Girl’ kumita ng P10-M sa opening day; Julia Montes, Alden Richards ibinandera ang suporta sa pelikula
Bukod sa tatlo, present din sa naturang premiere ang Filipino-American drag queen na si Manila Luzon.
Ito naman ay ibinandera ni Bretman sa kanyang Instagram Stories.
Hindi rin mawawala siyempre ang suporta ng ABS-CBN executives na talagang nandoon din during the Hollywood premiere.
Makikita sa pictures ang CEO na si Carlo Katigbak, ABS-CBN Films Managing Director Kriz Gazmen, COO for Broadcast Cory Vidanes at Head of TV Production and Star Magic na si Laurenti Dyogi.
Ang “A Very Good Girl” ay nakatakdang ipalabas sa Amerika simula October 6.
Magugunita noong September 27 nang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan sa Pilipinas.
First day pa lang ng pelikula sa ating bansa ay umarangkada na agad ito sa takilya na nakalikom ng mahigit P10 million.
Bukod kina Dolly at Kathryn, ka-join din sa movie sina Jake Ejercito, Donna Cariaga, Gillian Vicencio, Ana Abad Santos, Kaori Oinuma, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, Nour Hooshmand, Chie at Angel Aquino.
Related Chika:
Hindi pagdalo ni Edu Manzano sa presscon at premiere night ng ‘Mamasapano’ nababahiran ng intriga