Madlang pipol abangers na sa desisyon ni Pangulong Bongbong sa apela ng ‘Showtime’ kontra parusa ng MTRCB

Madlang pipol abangers na sa desisyon ni Pangulong Bongbong sa apela ng Showtime kontra parusa ng MTRCB

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa “It’s Showtime” kung totoong hindi na nila iaapela sa Office of the President ang kanilang kaso sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Ito’y dahil nga nagte-taping na sina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Cantiveros bilang pansamantalang hosts ng bagong programa kapag pansamantala nang nawala sa ere ang “Showtime.”

Base sa report ni Nanay Cristy Fermin kaninang tanghali sa programa nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM ay nagpasa pala ng motion for reconsideration ang Kapamilya noontime show sa Office of the President.

Samakatuwid ang nasabing taping nina Luis, Robi at Melai ay bilang paghahanda kung anuman ang maging sagot ng Office of the President sa inihaing MR ng pamunuan ng “It’s Showtime.”

O, baka naman may iba pang show ang tatlong hosts?

Baka Bet Mo: Bong Revilla umapela kay Pres. Bongbong Marcos na i-lift ang suspensiyon ng ‘It’s Showtime’: Consider the welfare of all the staff and crew

Pero imposibleng kuryentihin si ‘Nay Cristy ng source niya at bukod dito ay marami pang imbestigasyon ang ginagawa ng “CFM” host bago niya ibato sa kanyang CFM’ers ang mga balita nila ni Romel Chika.

Kaya pala sinagot kami ng taga-ABS-CBN kahapon nang wala pa silang alam nu’ng tanungin namin ang tungkol sa ginanap na 2 days taping nina Luis, Robi at Melai at kung kailan ito magsisimula at ano ang pansamantalang titulo ng programa na papalit sa “It’s Showtime.”

Pero kanina nga sa programang “CFM” ay may binasa ulit si ‘Nay Cristy na magsisimula ang pansamantalang programa sa Oktubre 14-27 base rin dw sa mga nasulat na.

Nabanggit din na tatama sa anibersaryo ng “It’s Showtime” sa Oktubre 24 at kung totoo na simula Oktubre 14 hanggang 27 na hindi sila eere ay hindi na nga ito maiseselebra maliban kung pagkatapos na lang ng suspension ito ipagdiriwang.

Sa kasalukuyan ay nakaabang ang lahat kung ano ang isasagot ni Presidente Bongbong Marcos sa apela ng “It’s Showtime.”

Related Chika:
Sey ni Kim Chiu matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng ‘It’s Showtime’: We’re just very grateful na ang daming sumusuporta…

Netizens umalma sa 12 araw na suspensiyon ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’, Lala Sotto pinagre-resign

Read more...