Ellen Adarna ibinunyag ang dahilan kung bakit ayaw magpa-house tour

Ellen Adarna ibinunyag ang dahilan kung bakit ayaw magpa-house tour

INAMIN ng dating aktres na si Ellen Adarna ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ibinabandera ang tahanan sa publiko sa pamamagitan ng house tour.

Sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi niya sa TikTok ay sinagot niya ang tanong ng isang netizen na humihiling sa kanya ng isang house tour.

“I am not the type who likes to do house tours, closet tours,” panimula ni Ellen.

Ngunit panigurado raw na may nakakita na ng loob ng kanilang bahay dahil naipagawa na raw ito ng asawang si Derek Ramsay bago pa sila magpakasal at nasa ugali raw nito ang magpa-house tour.

Ngunit bagamat uso ang mga tours bilang content ng mga vloggers, hindi ito para kay Ellen.

“But if it was me, ako personally, I don’t like doing such. I consider my house a safe space, my temple, so I protect it,” chika pa ng dating aktres.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna pinarusahan ng ama dahil sa pagmamaldita sa mga yaya; pinatira na sa maid’s quarter, pinaluhod pa sa monggo

 

Sey pa ni Ellen, “very territorial” siya sa kanyang mga pagmamay-ari.

“I’m the type [that] if someone is in my property, I will shoot to kill.”

Sabi pa ni Ellen sa mga netizens, hindi raw kasi niya alam kung ano ang pakay ng mga tao sakaling ibandera niya kung ano ang nilalaman ng kanyang bahay.

Aniya, “You don’t know what people’s intentions are and for me, you have to earn your way into my house.”

Marami naman sa mga netizens ang natuwa at napahanga sa sagot ni Ellen.

“elegance is screaming. A proper woman and the best response is to protect her safe place. love this woman,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “I like Ellen, rich but not showy. Gwpa pa kaayu.”

“Love her point of view. Declined request and explain about the house tour,” sey pa ng isa.

May mga komento rin na nag-house tour na noon si Derek kasama ang ex-dyowa nitong si Andrea Torres.

Related Chika:
Ellen Adarna ayaw pang bumalik sa showbiz, kakaririn nila ni Derek Ramsay ang pagbuo ng baby ngayong 2023

Ellen Adarna hindi humihingi ng pera kay Derek Ramsay: I wasn’t raised like that

Read more...