Michael Ver at Kych Minemoto
PUMAPASOK sa mundo ng Boy’s Love ang pinakabagong digital hit ng Puregold Channel sa TikTok, ang “My Plantito” kung saan ibinabandera ang suporta at pagtanggap mula sa pamilya at mga kaibigan.
Hindi tipikal na kuwento ng pag-ibig ang “My Plantito”, lalo na sa konteksto ng tradisyon ng mga Pilipino.
Sa di-kombensyonal na tema, hinahamon ng Puregold Channel ang nakasanayan, at naglalakbay ito tungo sa hindi pa napupuntahan ng iba: isang istorya ng boy-love kasama ng mga kumplikadong aspekto gaya ng mga kapamilya at kaibigan, at ang kanilang mga reaksyon.
Itinatampok ng “My Plantito” si Kych Minemoto, na binibigyang-buhay si Charlie na puno ng karisma, at si Michael Ver, bilang misteryosong kapitbahay at plantito na si Miko.
Sa kasalukuyan, mainit ang pagtanggap ng mga tagapanood sa Tiktok serye, at bawat episode ay nakakakuha ng higit sa milyong views.
Ani Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng PG, “Umaasa kaming nagsisimula ang My Plantito ng mga dayalogo hindi lamang tungkol sa pamilya, kung hindi sa kabutihan, pagtanggap, at ang dinamiko ng pamilyang Pilipino.”
Sa nakaraang mga episode, ipinakita ang pagkakaibigan nina Charlie at Miko, at ang nagsisimula nilang pag-iibigan, kasama ang nakatutunaw ng puso na interaksyon ng pamilya, lalo na sa pagganap ni Ghaello Salva bilang Janong, ang mapagmahal at sumusuportang ama ni Charlie.
Baka Bet Mo: Kauna-unahang TikTok series na ’52 Weeks’ pagbibidahan nina Jin Macapagal at Queenay Mercado
Dahil nangangarap na maging mahusay na content creator, hindi-sinasadyang naipakilala ni Charlie si “Miko Plantito” sa kaniyang mga tagapanood, at naging viral naman ito agad.
Sa pag-udyok ng kaniyang BFF na si Bianca (Devi Descartin), ipinagpatuloy niya ang lihim na pagkuha ng bidyo kay Miko, na nagsilbing posibleng hadlang sa pagsisimula ng kuwento ng pag-ibig.
Marami pang nakatutuwang mga eksena ang mapapanood sa susunod na mga episode ng “My Plantito”. Isa rito ang pagpapakita ng emosyonal na suporta nina Janong at Bianca dahil nahihirapan si Charlie na lumikha, kasunod ng away nila ni Miko.
Pag-asa at pagkasabik ang mararamdaman ng mga fan at tagapanood, dahil handog ng My Plantito hindi lamang romansa at kilig mula kina Charlie at Miko, kung hindi isang malalim na eksplorasyon ng pag-ibig at ang iba-iba nitong mukha at aspeto.
Abangan ang mga darating pang episode ng “My Plantito”, eksklusibo sa opisyal na Tiktok account ng @puregoldph.
TikTok BL series na ‘My Plantito’ pak na pak sa netizens, kilalanin ang mga bida sa bonggang fan meet
Kim pumayag nga bang itambal si Jerald kay Candy; excited sa muling pagbubukas ng sinehan