Thea Tolentino pangarap maging madre noon at manirahan sa kumbento: ‘Idol ko po ‘yung ninang ko!’

Thea Tolentino pangarap maging madre noon at manirahan sa kumbento: 'Idol ko po ‘yung ninang ko!'

Boy Abunda at Thea Tolentinio

KNOWS n’yo ba na wala palang kabalak-balak na mag-artista ang Kapuso actress at magaling na kontrabida na si Thea Tolentino?

Ang pangarap pala talaga ng aktres noong bata pa siya ay maging madre na inamin nga niya sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, September 29.

Kuwento ng dalaga, gustung-gusto raw niyang maging madre noon dahil meron daw kasi siyangbninong na pari at ninang na madre.

Bukod dito, kapag daw tinatanong siya kung bakit nais niyang magsilbi sa Diyos ayaw dahil ayas din niyang magkaroon ng boyfriend o karelasyon.

“Pero bata pa po ako noon,” ang laugh nang laugh na paliwanag ni Thea.


“Oo naman, oo. Pero where does that coming from? Ayaw mong magka-boyfriend dahil?” ang pangungulit ni Tito Boy kay Thea.

“Idol ko po ‘yung ninang ko. Wala siyang ano…mapili siya sa mga karelasyon niya,” ani Thea.

Sey naman sa kanya ng TV host, “Okay, noong naging artista ka, ano ang sabi ng ninang?”

Baka Bet Mo: Thea Astley may 2 kanta para sa First Yaya; Pauline Mendoza laban kung laban

“Hindi ko na po siya masyadong nakausap noong ano, e, noong time na ‘yun kasi lumipat po siya ng States,” sagot ng Kapuso star.

* * *

Tampok sa official soundtrack ng pelikulang “A Very Good Girl” ang “Dito Ba” na binigyan ng bagong rendisyon ni “Idol Philippines” season 2 contestant Misha De Leon.

Unang inawit ni Kuh Ledesma ang OPM track na nagkukuwento ng pag-aalinlang sa ginagalawang mundo at ang mga pagbabagong dala nito sa buhay. Isinulat ito ni George Canseco habang iprinodyus naman ni Kikx Salazar ang remake ng awitin.

Unang nakilala si Misha nang sumali ito sa ikalawang season ng “Idol Philippines” kung saan napahanga niya ang mga hurado at manonood sa performance niya ng “Oo” at “Sign of the Times.”


Ngayong taon, inilunsad niya ang kanyang unang single na “Damdamin” na umarangkada sa ikaapat na pwesto sa Spotify Equal Philippines habang ang awitin naman niya na “Haging” ay napasama sa Spotify Fresh Finds Philippines at Equal Philippines.

Samantala, nasasaksihan na sa mga sinehan ang banggaan ng dalawang bituin sa “A Very Good Girl” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Dolly De Leon, Angel Aquino, Jake Ejercito, Chie Filomeno, Gillian Vicencio, at Kaori Oinuma.

Pakinggan ang bagong bersyon ni Misha ng “Dito Ba” sa “A Very Good Girl” at sa iba’t ibang music streaming platforms.

Madre na itinuturing na pinakamatandang tao sa mundo pumanaw na sa edad 118

Aiko nakiusap na pagbigyan siyang magbalik-teleserye: Yung kikitain ko po idadagdag ko rin sa ipangtutulong ko

Read more...