Andrea Torres binigyang-pugay ang inang may birthday: You have the most beautiful heart!

Andrea Torres binigyang-pugay ang inang may birthday: You have the most beautiful heart!

PHOTO: Instagram/@andreaetorres

ISANG nakakaantig na mensahe ang inihandog ng Kapuso actress na si Andrea Torres ngayong ipinagdiriwang niya ang kaarawan ng ina na si Mommy Emy.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinandera ng aktres ang ilang masayang picture nilang mag-ina.

Binigyang-pugay niya rin ito kung saan inihayag niya ang lubos na pagmamahal para sa kanyang ina.

Inilarawan pa nga niya si Mommy Emy bilang “walking sunshine.”

Wika niya sa IG, “Everyone who knows my mom will agree with me when I say that she’s a walking sunshine [smiling face emoji].”

Baka Bet Mo: Payo ni Andrea sa mga minalas sa lovelife: Magdasal nang taimtim at iwasang maging nega

“Just a moment with her and any person goes back to the world feeling more grateful, seen, heard, valued and most of all, loved,” caption pa ng aktres.

Sinabi rin ni Andrea na super blessed siya na magkaroon ng ina na tulad ni Mommy Emy dahil sa busilak nitong puso.

“You have the most beautiful heart Mommy and how blessed am I to have you as my constant [folded hands emoji],” saad niya sa post.

Patuloy niya, “I think all the love languages are your love languages. Huhu. You make me believe in magic, miracles and blessings.”

“I will never run out of ways to thank you Mommy because anything for you, I’m the happiest doing [smiling face emoji],” sambit din niya.

Mansahe pa niya, “Happy happy birthday partner!! May you feel today and everyday how much the world appreciates you!!! [red heart emoji].”

Ilang lamang sa mga celebrities na bumati sa ina ni Andrea ay sina Bea Alonzo, Max Collins, Jackie Lou, Ina Feleo, Pancho Magno at marami pang iba.

Ang maraming netizens naman, tila na-touch sa naging birthday message ng aktres sa ina.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Awww what a beautiful message. Also, you both looked fabulous!!! [red heart emojis]”

“Mommy is indeed a gem!!! [red heart emojis] Wishing her a birthday as beautiful and radiant as her soul.”

“Same birthdate po pala kayo ni Mama ko… Stay healthy, gorgeous. Take care always!”

Sa kasalukuyan, isa si Andrea sa mga bida sa TV series na “Love Before Sunrise” kasama sina Dennis Trillo, Bea Alonzo, at Sid Lucero.

Bago ‘yan ay naging parte siya ng kakatapos lang na hit series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si “Sisa.”

Related Chika:

Jennica Garcia todo flex sa nakuhang ‘lady’ driver: Ang linis ng sasakyan at mahusay magmaneho!

Read more...