ISANG sama ng panahon ang kasalukuyang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre.
Ito ang Bagyong Jenny na huling namataan sa layong 1,025 kilometers silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas na hangin na 65 kilometers per hour sa gitna at bugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong gumagalaw sa bilis na 35 kilometers per hour pa-kanluran ng bansa.
Baka Bet Mo: Risa Hontiveros nadismaya sa P125-M confidential funds na ginastos lang ng 11 araw: Napakagaspang!
Ayon sa PAGASA, wala pang direktang epekto ang bagyo pero kasalukuyang nagpapaulan ang buntot nito sa ilang bahagi ng bansa.
“‘Yung trough o extension ni Jenny ay nagpapaulan na sa may ilang bahagi na ng Eastern part ng Southern Luzon at Visayas,” sey ni Weather Specialist Veronica Torres sa isang press briefing ngayong September 30.
Sinabi rin ng weather specialist na asahang lalo pang lalakas ang bagyo at posibleng maging “typhoon.”
Base rin, aniya, sa forecast track ay nakikita nilang pwede itong tumama sa lupa sa bahagi ng mainland Cagayan.
“By late Monday or Tuesday, nasa Typhoon category na nga itong si Jenny and hindi natin tinatanggal ‘yung posibilidad na ito ay mag-landfall over Extreme Northern Luzon o ‘di kaya sa mainland Cagayan dahil nasa loob nga ito ng ating cone of probability,” sambit ni Torres.
Ani pa niya, “Sa kasalukuyan, wala pa tayong nakataas na Tropical Cyclone Wind Signals sa kahit na anong parte ng ating bansa, pero posible na magtaas tayo ng signal sa may Extreme Northern Luzon by tomorrow or Monday.”
Sa ngayon, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Quezon, Bicol Region, at Eastern Visayas, pati na rin ang Metro Manila dahil sa tinatawag na “trough” o extension ng Bagyong Jenny.
Gayundin ang mararanasan sa MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, at nalalabing bahagi ng Visayas na dahil naman sa Southwest Monsoon o Habagat na siyang pinalalakas din ng bagyo.
Related Chika:
‘Single mom’ na nag-viral matapos magnakaw ng handa para sa anak, walang katotohanan?