Barbie Almalbis, Sandwich, ilan pang OPM artists makiki-join sa first-ever ‘Home Buddies Bazaar’ sa Oct. 1

Barbie Almalbis, Sandwich, ilan pang OPM artists makiki-join sa first-ever ‘Home Buddies Bazaar’ sa Oct. 1

PHOTO: Courtesy Home Buddies

SINO sa inyo ang miyembro ng Facebook community na “Home Buddies?”

Nako, may exciting news kami sa inyo ngayong third anniversary na ng nasabing grupo.

Magkakaroon sila ng “Home Buddies Bazaar” kung saan tampok ang iba’t-ibang local brands na may kaugnayan sa home improvement, decor, at design.

Ang one-day event ay magaganap sa activity center ng Ayala Malls Manila Bay sa Pasay City sa darating na October 1.

Take note lang din na libre ang admission dito, pero tiyak naman na mag-eenjoy at mabubudol kayo sa “pinterest-inspired ideas” na bibigyang-buhay ng mahigit 30 booths and shops.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: ‘Hangout Buddies’ patok na tambayan sa socmed, 1 taon palang may higit 200k members na

 “It’s the first independent event that we’re doing, so we have no limits,” saad sa inilabas na pahayag ni Frances Lim Cabatuando, ang founder at binansagang “Mayora” ng Home Buddies.

Chika pa niya, “We’re bringing in amazing home brands, starting with our co-presenters Tough Mama, PLDT Home and Ayala Malls Manila Bay.”

“We’re also bringing the biggest home professional organizations like United Architects of the Philippines (UAP) and Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) for free home consultations for our kapitbahays!” aniya pa.

Bukod diyan, kaabang-abang din ang inihanda nilang mga palaro, activities at lalo na ang mga OPM artists na makiki-join sa selebrasyon.

Ilan lamang sa mga magtatanghal sa event ay ang alt-rock icons na sina Barbie Almalbis at Sandwich, pati na rin ang newcomers na sina I See Bees, New York Heights, Raven and the Papis at Sofia Carpizo.

Ang mga mangunguna naman bilang hosts ay sina Eryka Lucas, Kevin Montillano, Coco Cordero at mismong si Frances.

Sambit ng founder ng Home Buddies, “We just want to celebrate the community and allow its members to meet up in person since it’s now safer to do so.”

“I’m sure one way or another, we’ve all affected each other’s lives. And we just want to make them realize that the online group isn’t just a Facebook group; it’s a real, thriving community that helps Filipinos improve their homes,” ani pa ni Frances.

Para sa iba pang detalye sa darating na event, i-follow na ang Home Buddies page o maki-join sa kanilang grupo sa Facebook.

As of this writing, mayroon nang mahigit 3.2 million followers ang nabanggit na FB community.

Related Chika:

Read more...