‘A Very Good Girl’ kumita ng P10-M sa opening day; Julia Montes, Alden Richards ibinandera ang suporta sa pelikula

‘A Very Good Girl’ kumita ng P10-M sa opening day; Julia Montes, Alden Richards ibinandera ang suporta sa pelikula

PHOTO: Instagram/@starcinema

UMARANGKADA sa takilya ang pinakaaabangang comeback movie ni Kathryn Bernardo kasama si Dolly de Leon.

Noong September 27 lamang nag-umpisang ipalabas sa mga lokal na sinehan ang “A Very Good Girl,” pero unang araw pa lang ay kumita na agad ito ng mahigit P10 million!

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ng Star Cinema sa social media.

Caption sa Instagram, “A very good movie indeed!”

“Thank you Pilipinas for making #AVeryGoodGirl the biggest Filipino movie of 2023 with over 32,000 tickets sold! Ramdam namin kayo! [lips emoji],” wika pa sa post.

Baka Bet Mo: Dolly de Leon sa pagsasama nila ni Kathryn Bernardo sa pelikula: Kinikilig ako kasi galing na galing ako sa kanya at napakabuti rin niyang tao

Bukod kina Dolly at Kathryn, ka-join din sa movie sina Jake Ejercito, Donna Cariaga, Gillian Vicencio, Ana Abad Santos, Kaori Oinuma, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, Nour Hooshmand, Chie at Angel Aquino.

Samantala, ibinandera naman ng bagong on-screen love team na sina Julia Montes at Alden Richards ang kanilang suporta kay Kathryn, pati na rin sa mga bumubuo ng nasabing pelikula.

Sa Instagram post ni Julia, mapapanood ang video ni Kathryn habang binabati ang kanyang mga kakilala sa naganap na premiere night ng kanyang comeback movie.

Caption ng aktres, “Soooo proud of you @bernardokath! You’re a badass in this film!”

“The range of emotions and passion na binigay mo sa movie grabe [emojis] must watch!” sey pa ni Julia.

Aniya pa, “#AVeryGoodGirl to the whole team and Ms. Dolly congratulations po.”

May post din ang katambal ni Julia sa “Five Breakups and a Romance” na si Alden.

Ipinakita naman ng aktor sa IG Reels na kasama niya sa premiere night ng “A Very Good Girl” si Julia.

Dito rin niya inihayag ang kanyang pagkatuwa sa mga bumubuo ng nasabing pelikula, lalo na sa mga bida na sina Dolly at Kathryn.

“Had a very good night with @montesjulia08 [heart emoji],” saad niya sa post.

Mensahe pa niya, “Congrats to the amazing team of #AVeryGoodGirl @bernardokath, Ms. @dollydeleon, and Direk @awarewolves, solid acting and production! [fire emoji].”

Magugunitang si Alden ay naging ka-loveteam din ni Kathryn sa 2019 blockbuster na “Hello, Love, Goodbye.”

Related Chika:

Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako!

Read more...