Carla matagal nang gustong makatambal si Piolo; mahihirapang pumili kung mananatili sa GMA o lilipat sa ABS-CBN

“THE Goddess has arrived!”

Ito ang nabungaran namin nang dumating kami sa venue ng contract signing ni Carla Abellana para sa bago niyang talent management, ang All Access to Artists, Inc. o Triple A.

Talagang pinaghandaan nila ang pag-welcome kay Carla dahil sa napakagandang presentation nila sa event.

Nag-enjoy ang mga dumalong entertainment press dahil lahat ng tanong ay isa-isang sinagot ni Carla na walang nagbabawal at higit sa lahat ay masarap ang mga inihandang pagkain at may parapol pa.

Anyway, naniniwala kaming naka-move on na nga si Carla sa mga dinaanan niyang heartache, headache, at kung anu-ano pang pain nang maghiwalay sila ng dating asawang si Tom Rodriguez dahil ang ganda niya at younger looking nang humarap sa media nitong Martes ng gabi.

Present ang Presidente at Chief Executive Officer ng Triple A na si Direk Mike Tuviera, Ms. Jacqui Cara, head of Operations at isa sa execom na si Ginoong Jojo Oconer sa ginanap na contract signing ng bago nilang alaga.

Sa nasabing mediacon ay inamin ni Carla na noong Mayo ngayong taon pa nag-expire ang kontrata niya sa GMA 7 at may mga pag-uusap ngayon between the network bosses at sa kanyang bagong management.

At dahil dito ay natanong ang aktres kung okay sa kanyang mag-guest sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” nina Coco Martin at Lovi Poe.

Baka Bet Mo: Carla ipatatayo na ang dream house; GMA Gala Night nakalikom ng P1.4-M para sa pagpapatayo ng mga nawasak na paaralan sa Abra

Halatang nagulat si Carla kasi nga naman sa Kapamilya network umeere ang “BQ.”

“Oh my gosh! Ha-hahahaha! Kung bibigyan po ako ng opportunity why not?  My goodness I would like to be part of Batang Quiapo pero wala naman pong offer, wala pong inaalok sa akin maging part ng Batang Quiapo.

“Sa ngayon wala naman pong kahit na anong offer na maging parte ng kahit anong proyekto (ng ABS-CBN), pero kung aalukin po ako, yayain po ako, magiging open po ako ro’n,” nakangiting sagot ni Carla.

Kung saka-sakaling may alok nga ang ABS-CBN kay Carla at magustuhan niya ito kahit inalok din siya ng GMA 7 na mag-renew ay tiyak na mahihirapang magdesisyon ang aktres dahil papasok dito ang usaping pagtanaw ng utang na loob dahil sa Kapuso network siya nakilala.

Masasabing inalagaan din siya ng network at kapag iniwan niya ito ay maraming supporters ng GMA na iba-bash siya pero at the end of the day ay trabaho at future ng aktres ang iko-consider niya lalo’t nagsabi rin siya na may mga loans at bills siyang dapat bayaran buwan-buwan.

Kaya’t isa ito sa aabangan kay Carla sa mga susunod na araw o linggo kung magre-renew siya sa GMA o hindi na at mas gustong maging free lancer na lang lalo’t ang Triple A management ay nagla-line produce rin sa TV5 kaya puwede ring mapanood doon ang aktres.

Isa sa pinaka-wish niya at nabanggit niya ito sa Triple A management ay, “In terms of pelikula o teleserye ay marami pa akong gustong makatrabaho.

“Do’n po ako mas na-excite na makatrabaho ‘yung iba’t ibang artista pa na hindi lang po taga-same network, ‘yun po ang wish list ko, part ng aking bucket list na magkaroon ako ng chance o opportunity sa pelikula dahil may mga ibang leading men pa,” sabi ni Carla.

At dito na inamin ni Carla na matagal na niyang pangarap maka-work si Piolo Pascual.

“Isa po sa pangarap ko Piolo Pascual po, matagal ko ng pangarap ‘yun! Whether pelikula o teleserye kahit ano po,” diin ng aktres.

Sayang, kung nalaman lang naming nag-expire na ang kontrata ni Carla sa GMA ay sana sinagest namin siya sa pelikulang “Mallari” ni Papa P bilang isa sa leading lady ng aktor.

Bakit nga ba tinawag na “Goddess” si Carla? “I believe from GMA ‘yan!  Nagsimula po ‘yan sa Primetime Goddess, hindi ko nga rin po alam sabi ko nga’ sa fans ba galing ‘yang primetime goddess na ‘yan?’

“Pero (alam ko) sa GMA po ‘yan laging name-mention ng GMA kapag mayroon akong teleserye at tumatak po siya (pero) nagiiba-iba from time to time, nagiging primetime goddess, drama goddess, so, I believed naging consistent po ‘yung goddess,” paliwanag ng aktres.

Anyway, mapapanood si Carla sa upcoming TV series na “Stolen Life” ngayong Nobyembre sa GMA 7 kasama sina Gabby Concepcion, Bing Loyzaga, Beauty Gonzales at Ms Celia Rodriguez mula sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Related Chika:

Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

Read more...