Rocco Nacino aminadong babaero noon: Kasi sa unang karelasyon ko, niloko po ako

Rocco Nacino aminadong babaero noon: Kasi sa unang karelasyon ko, niloko po ako
UMAMIN ang Kapuso actor na si Rocco Nacino na minsan sa kanyang buhay ay naranasan niya ring maging babaero.

Sa kanyang naging panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, September 25, napag-usapan nila ang tungkol sa bago nitong teleserye na “The Missing Husband”.

Natanong rin si Rocco ni Tito Boy kung naranasan na niya ang ma-scam sa pag-ibig matapos nitong ikuwento na minsan na siyang na-scam sa investment.

Chika ng Kapuso actor, naranasan na rin niyang ma-scam sa larangan ng pag-ibig.

“Sa totoo lang, Tito Boy, I think sa mga articles na nababalita sa akin parang for the longest time, naging hindi ako makuntento sa isang babae. May backstory po yan,” panimula ni Rocco.

“Kasi sa unang karelasyon ko, niloko po ako. Parang na-scam. Na-scam ako dahil kaibigan ko pala ang dyinowa niya nang malaman ko. So ang naging defense mechanism ko, ‘Ay hindi. Mambababae ako.’

So everytime noong college ako, paiba-iba ako ng shino-syota.”

Baka Bet Mo: Rocco Nacino muntik nang manakawan sa theme park, driver nagtulug-tulugan nang palibutan ng mga suspek ang kanilang sasakyan

Kuwento pa ni Rocco, umabot siya sa puntong naging heart breaker siya.

“A talaga? Dumating ‘yung point na ‘Bakit ba ako niloko ng girlfriend ko? May kulang ba sa akin? Was I not enough?’ Di ba? Inseguridad rin. Kaya ang naging resulta, manliigaw ako, manloloko ako, maraming girlfriends para mapunuan ko ang aking inseguridad,” komento naman ni Tito Boy.

Sinigundahan naman ito ni Rocco at sinabing mali ang ganitong mindset.

“Many many years akala ko na ‘A ganoon dapat ‘yun’ until I stayed single for longest time, mga two years.

“Doon ko natutunan na mahalin ang sarili ko muna. Then, na-appreaciate ko na this is how it’s like to love,” pagbabahagi ni Rocco.

Sey naman ni Tito Boy, mahalaga rin ang mga taong nasa paligid mo matapos ang pagkakaroon ng heart break na magbibigay payo o opinyon sa ‘yo ukol sa mga nangyari.

Sa ngayon ay happily married na si Rocco sa volleyball player na si Melissa Gohing.

Nabiyayaan na rin sila ng napaka-cute na baby bog na si Ezren Rafaello.

Related Chika:
Rocco Nacino nakaipon para sa pagpapakasal nila ni Melissa Gohing dahil sa swab test: ‘Paubos nang paubos ‘yung pera ko noong pandemic’

Rocco natakot nang malamang buntis na si Melissa: Naisip ko, ready na kaya ako maging daddy?

Read more...