MISMONG si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagkumpirma na nagastos na ng Office of the Vice President (OVP) na pinamumunuan ni Sara Duterte ang P125 million confidential funds noong 2022 sa loob ng 11 araw.
Ito ay mas mas maikli pa sa naunang ulat na 19 na araw.
Sa ginanap na plenary deliberations ng 2024 proposed budget ng Commisision on Audit kahapon, September 25, kinuwestiyon ni House Assistant Minority Leaderf Arlene Brosas ng Gabriela party-list ang naging paggastos ng OVP ng P125 million confidential funds mula Disyembre 13 hanggang Disyembre 31, 2022, ayon umano sa Statement of Appropriations, Obligations and Balances (SAOB).
“Ayon sa mga nakaraang usapin, lumalabas na ginastos ng OVP ang halagang ₱125 million sa 19 days lamang na mukhang napakaiksing panahon. Maaari bang ikumpirma ng COA ang nangyaring ito?” tanong ni Brosas.
Sagot naman ni Quimbo, “Ang totoo po ay nagulat din po ako noong mabasa ko ang mga balita na tila nagastos po sa loob ng 19 days. Tinanong ko po ang COA at tiningnan ko po ang iba’t ibang mga reports, pero hindi po ito nagastos sa loob ng 19 days, kung hindi 11 days po.”
Si Quimbo ang senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations.
Baka Bet Mo: Janno Gibbs may bagong hugot, netizens nag-react: ‘And dating secret, confidential na ang term’
Halatang nagulat si Rep. Brosas sa narinig dahil sa paggastos ng malaking halaga sa loob ng maikling panahon.
“How many reward payments would that be at P11 million per day?” tanong ng mambabatas.
Ayon naman kay Quimbo, nagpasa noong January 17 ng liquidation report ng P125 million na ino-audit pa rin ngayon ng COA.
“This morning, the COA gave its preliminary observations to the Office of the Vice President. It means that they issued an audit observation memorandum already,” saad ni Quimbo.
Ayon naman sa statement na inilabas ni Brosas ay gumagastos ang Office of the Vice President ng average of P11,363,636.36 kada araw.
“For VP Sara to fully utilize P125 million in 11 days, she needs to pay 1,250 informers at P100,000 each for 11 days or P9,090 daily per informer,” lahad ni Brosas ukol sa 11-day “spending spree” ng confidential funds ni Dutete.
Iba Pang Mga Balita:
LTO nag-isyu na ng ‘show cause order’ sa may-ari ng sasakyan na sangkot sa road rage sa Cavite
SIM registration may bagong guidelines, required na ang ‘live selfies’