Tropang ‘TikTalks’ nina Korina, Kakai, Alex, G3 at PatP bongga ang mga pasabog; OPM artist na si Maki dumaan sa matinding ‘pain’

Tropang 'TikTalks' nina Korina, Kakai, Alex, G3 at PatP bongga ang mga pasabog; OPM artist na si Maki dumaan sa matinding 'pain'

Maki, Alex Calleja, G3 San Diego, Korina Sanchez, PatP Daza at Kakai Bautista

THERE will always be some big revelation in every episode of the hottest talk show in town, ang “TikTalks” na napapanood sa TV5 pagkatapos ng FIBA games tuwing Linggo.

Kasi naman ang mga topic, iniisip niyo pa lang pinag-uusapan na talaga ng mga host nitong sina ace broadcaster Korina Sanchez-Roxas, influencer and writer G3 San Diego, commentator and TV host PatP Daza, comedienne and singer Kakai Bautista at ng standup comic and writer na si Alex Calleja.

Sa latest episode nito, tinalakay nila kung sino ba talaga ang mas matindi sa tsimis – ang mga babae ba o mga lalake? Ang mga Marites (Mars ano’ng latest) ba o ang mga Tolits (Tol, anong latest)?!

Shocked din ang mga host ng show nang aminin ni Alex Calleja na naubos ang lahat-lahat sa kanya noon nang dahil sa sugal.


Bukod dito, napag-usapan din sa programa ang tungkol sa usaping sex.
Sa bahay, okay lang ba talagang pag-usapan ‘to? O sikretong malupit na walang clue?!

Baka Bet Mo: Boy Abunda pag-aari ang ‘Fast Talk’ kaya nagamit sa GMA; unang pasabog ang interview kina Marian, Bea, Alden at Paolo

Nandiyan din ang tanong ng tropang “TikTalks” kung sugarol ba ang asawa mo? Wag nang mahiya, dahil pustahan tayo, ang topic na ‘to bet na bet mo!

Real Talk. Kuwentuhang kaibigan. Totoong-totoo. Kaya tutor na sa “TikTalks” every Sunday sa OnePH, 7 p.m. at sa TV5 sa ganap na 10:30 ng gabi.

* * *

Matinding agam-agam at kalituhan sa pag-ibig ang ikinuwento ng Kapamilya artist na si Maki sa kanyang unang EP na “Tanong”.

Laman ng kanyang EP na mula sa Tarsier Records ang limang Tagalog songs na “Sigurado?” “Kailan?” “Siguro…?” at ang viral hits na “Saan?” at “Bakit?”

“Last year, I went through so much pain mentally and emotionally. I had no one to talk to about my questions back then except for my best friends, but I didn’t wanna bother them so I just started writing my questions on a paper.

“Sinulat ko lahat ng tanong ko sa mga taong wala na sa buhay ko, missed opportunities, as well as yung mga tanong ko sa sarili ko,” ani Maki.

Kwento pa niya, nakatulong ang journal entries niya sa pagbuo ng mga awitin na sumasalamin sa kanyang personal na karanasan sa buhay.


“Nooog una akala ko magiging journaling journey ko lang siya at araw-araw akong iiyak, but it turned out to be the best project I did so far sa career ko.

“I never thought that my greatest pain could turn into something I can look at now as a possession that I’ll treasure forever,” saad ng baguhang R&B artist.

Unti-unting nakilala si Maki sa kanyang relatable at catchy na tunog na nagpapakita sa kanyang batang pananaw sa buhay.

Nakapaglabas na siya ng iba’t ibang awitin tulad ng “Halaga,” “Para Sa Buwan,” at ang hit R&B rendition niya na “Gusto Ko Nang Bumitaw.” Ngayong taon, inilunsad ni Maki ang awitin na “Saan?” na umani ng halos 15 million streams at kasalukuyang nasa top 50 ng Spotify Philippines Daily Songs Chart.

Samantala, ang awitin niyang “Bakit?” na meron ng 1.5 million streams ay umarangkada din sa top 50 ng Spotify Philippines Viral Songs Chart.

Pakinggan ang nakakaantig na mensahe ni Maki sa kanyang unang EP na “Tanong” na available na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms.

Sharon may inaming ‘biggest pain’ kay KC: We’re very opposite sa ugali, tapos pareho pa kaming bullheaded

Bela Padilla hugot na hugot, senti yarn: ‘Sobrang emo ko dito sa London kasi wala akong kasama sa bahay, wala akong kausap’

Read more...