LUBOS na ikinalulungkot ng dating aktor na si Troy Montero ang pagkawala ng Facebook page ni Rocket, ang kanyang anak na may autism.
Sa Instagram, ipinakita ni Troy ang isang screenshot kung saan mababasa na naka-”unpublished” ang nasabing page.
“I am truly sad today. Facebook has UNPUBLISHED our Rocket’s Autism Awareness page stating: ‘Rocket’s ASD Awareness Page goes against our Community Standards on account integrity and authentic identity,’” caption ng dating aktor.
Ang FB page ni Rocket ay mayroon nang mahigit 100,000 followers at ang hinala ni Troy, may nag-report nito kaya na-take down ng Facebook.
“Of course I know this could be from a report or some Ai thing but now that our page is down, the option button to dispute is not working,” sey niya sa IG.
Baka Bet Mo: Anak nina Aubrey at Troy may ASD: At first we were confused and questioned ourselves, how and why?
Pakiusap pa niya, “I’m in tears over this. Please Facebook I hope you open my many reports asking why this has happened.”
Ipinaliwanag din ni Troy na ginagamit nila ang nasabing page upang ibahagi ang kampanya nila upang makatulong sa ibang pamilya na may mga anak na na-diagnose ng ASD.
“I run this FB page for my daughter who is on the Autism Spectrum,” sambit sa post.
Paliwanag niya pa, “We share progress, stories, and even exchange valuable information to other families with Autism. Please bring our page back [folded hands emoji]”
Libo-libong netizens naman ang nag-react sa malungkot na balita ni Troy at karamihan sa kanila ay nagtaka rin kung bakit inalis ng FB ang awareness page ni Rocket.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Rocket’s page is a blessing to many, especially to a mom like me with a daughter with disability.”
“I am praying na sana maibalik ang page nyo [folded hands emoji]. I love your page because of you marami na nag-open up sa mga family na may ASD na anak. And because of you na-inspire din ako na i-share ang journey namin with my son na may ASD din.”
“WTAF??? Why on earth would this be against community standards???”
“Oh my…[sad face emoji] watching Rocket gives me hope too for my son who is in the spectrum…[sad face emoji]”
Kung matatandaan, Abril ng nakaraang taon nang ibinunyag nina Troy at ng misis niya na si Aubrey Miles ang tungkol sa kondisyon ng kanilang anak.
Ayon pa nga sa kanila, hindi agad nila ito ipinaalam sa publiko dahil pinag-aaralan pa nila ang tungkol dito.
Noong June 2022 lamang nang ikinasal sina Aubrey at Troy matapos ang 18 years na pagsasama.
Marso ng nakaraang taon naman nang i-announce ng dalawa sa madlang pipol na engaged na sila.
Nabiyayaan ng dalawang anak sina Aubrey at Troy na sina Hunter at Rocket.
Samantala, nagkaroon naman ng anak ang aktres na si Maurie sa previous relationship nito.
Related Chika: