GMA ipinakilala ang AI-generated sportscasters, netizens may iba’t ibang reaksyon

GMA ipinakilala ang AI-generated sportscasters, netizens may iba’t ibang reaksyon

PHOTO: Twitter/@gmanews

ISANG makabagong teknolohiya ang inilunsad ng GMA Network para sa pagbibigay ng balita pagdating sa larangan ng sports.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon sila ng Artificial Intelligence (AI)-generated sportscasters.

Ipinakilala nila ito bilang sina Maia at Marco na nakatakdang magbibigay ng pinakamalalaking balita sa NCAA Season 99, pati na rin sa updates ng local at international sports na tampok ang Pinoy athletes.

Mapapanood ang pinakabagong Kapuso AI sportscaster sa social media platforms ng GMAIN, GMA Sports, at GMA Synergy.

Baka Bet Mo: ‘Bridgerton’ star Regé-Jean Page ‘most handsome man in the world’, 2nd si Chris Hemsworth

“The introduction of the first AI sportscasters by GMA Integrated News is a groundbreaking initiative that significantly impacts our objective of ‘Mas malaking misyon, mas malawak na paglilingkod sa bayan’,” sey sa inilabas na pahayag ng Senior Vice President at Head of Integrated News, Regional TV, and Synergy na si Oliver Victor B. Amoroso.

Dagdag pa niya, “It aligns with our mission to serve all communities within the nation and promote inclusivity in our reporting.”

Paliwanag naman ng NMI Studios Head of Creatives na si Ramil Escarda, “The rise of generative AI not only transforms how we share news and information, but it also fuels our creative process and redefines the landscape of modern video production.”

“It doesn’t replace human ingenuity; instead, it amplifies it, making our storytelling more powerful and accessible,” saad pa niya.

Ilang oras palang mula nang ipinakilala ng nasabing broadcast company ang AI-generated sportscasters ay umani na agad ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens.

Narito ang mga komento kung saan inihayag nila ang kanilang pagkadismaya:

“This is something you should be embarrassed about. AI, really? There are many people who wish to work in this field, but you chose to go for AI. So disappointing. Hire real people with genuine talent and passion for this.”

“Sige pa. I-patronize niyo pa ‘yang AI na ‘yan sa susunod pare-parehas na tayong walang trabaho.”

“I am an athlete and a sports fan; I know how does an athlete feel through ups and downs, this AIs don’t.”

May iilan din na pabor sa inilunsad na AI ng GMA Network:

“Hindi talaga AI o teknolohiya ang problema e. Tao at ang maling gamit nito.”

“Ok Ang AI lalo na kung papalitan ‘yung corrupt sa gobyerno tsaka ‘yung mga pulpol na pulitiko.”

Related Chika:

Read more...