Sumisikat na aktres inutusan nga ba ng management na makipaghiwalay sa dyowang nasa kabilang network?

Sumisikat na aktres inutusan nga ba ng management na makipaghiwalay sa dyowang nasa kabilang network?

UTOS kaya ng management company ng sumisikat na aktres na makipaghiwalay sa kanyang showbiz actor na kabilang naman sa kakumpetensiyang TV network?

Akalain mo may iba palang boyfriend ang sumisikat na aktres at okay ang samahan at masaya naman sila hanggang isang araw ay nag-break na sila na hindi naman binanggit ang dahilan.

Iyon pala may project ang sumisikat na aktres at ipapareha siya sa aktor na ang dating ka-loveteam ay kontrobersyal dahil sa mga pinaggagawa niya.

Anyway, nag-click ang unang tambalan ng aktor at sumisikat na aktres kaya may follow-up agad silang dalawa at in fairness ang dami nilang sponsors at bagay naman din talaga silang dalawa ang ganda ng chemistry nila.

Sa madaling salita, kapag nalaman ng may totoong boyfriend ang sumisikat na aktres na taga-kabilang TV network ay makaka-apekto ito sa kanyang karera o sa tambalan nila ng aktor na mukhang type siya.

Kaya ang ending ay hiwalay na sila sumisikat na aktres at yung showbiz boyfriend hindi pa man nalalaman ng publiko ay hiwalay na at mukhang hindi na rin ito malalaman pa.

Ito siguro ‘yung isinisigaw dati ng fans ng kontrobersyal na aktres na dating ka-loveteam ng aktor na may jowa ang sumisikat na aktres na hindi nila kasamahan sa network.

Sa huling panayam namin kina aktor at sumisikat na aktres ay kinikilig sila sa isa’t isa, napapaisip tuloy kami kung totoo ito at charing-charing lang para pag-usapan ang bago nilang proyekto na maganda naman.

Baka Bet Mo: Kilalang aktor binigyan ng mamahaling sasakyan ng kilalang businessman, sa ibang bansa nakikipag-date para safe

* * *

Umaapaw ang “Korean fever” sa iWantTFC dahil mapapanood sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa nang libre ang tatlong boys’ love (BL) series na “Semantic Error,” “Our Dating Sim,” at “Love Mate.”

Mapapanood ang Filipino-dubbed version ng campus-youth romance na “Semantic Error” simula Setyembre 27 (Miyerkules). Mayroon itong walong episode at isang bagong episode ang ipapalabas kada Miyerkules.

Iikot ang kwento ng “Semantic Error” kina Chu Sang Woo (Park Jae-chan), isang seryoso at maprinsipyong computer science major, at kay Jang Jae Young (Park Seo-ham), ang tila perpektong binata na crush ng bayan.

Isang araw, ma-aassign sila sa isang grupo para sa kanilang final project sa kolehiyo pero iiwanan sa ere si Chu Sang Woo ng kanyang mga ka-grupo. Dahil si Chu Sang Woo ang gumawa mag-isa, ipapasa nito ang final project nang wala ang mga pangalan ng mga ka-grupo, kabilang ng kay Jang Jae Young. Dahil dito, manganganib na bumagsak si Jang Jae Young at hindi matuloy ang matagal na niyang pangarap na mag-aral sa ibang bansa.

Ano ang mangyayari sa tila aso’t pusa relasyon nina Chu Sang Woo at Jang Jae Young kapag napilitan silang magsama? Mapipigilan ba nila ang damdamin ng isa’t isa kapag nagkadevelopan sila ng feelings?

Hindi na mauubusan pa ng kilig sa iWantTFC dahil malapit na ring mapanood ang dalawa pang BL series tungkol sa pag-ibig sa pagitan ng dalawang magkatrabaho na “Our Dating Sim” (Lee Jong-hyuk at Lee Seung-gyu) at “Love Mate” (Cho Han Gyeol at Cho Hyun Min).

Panoorin nang libre ang “Semantic Error” simula Setyembre 27 sa iWantTFC app (iOS at Android) o website. Available rin ito sa standard at premium subscribers worldwide. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa X (formerly Twitter) at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

Related Chika:
Baguhang aktres mega attitude, mga kasama sa trabaho gusto na mag-back out

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Read more...