MGA palong-palo sa takilya mula sa ibang bansa ang showing na ngayon sa mga lokal na sinehan dito sa Pilipinas.
Isa na riyan ang binansagang number one movie sa South Korea, ang thrilling disaster film na pinamagatang “Concrete Utopia.”
Star-studded ang mga bida sa pelikula kabilang na ang Korean heartthrobs na sina Lee Byung-hun at Park Seo-jun.
Bukod sa kanila, tampok din ang iba pang sikat na artista tulad nina Park Bo-young, Park Ji-hu, Kim Do-yoon at Kim Sun-young.
Baka Bet Mo: ‘The Exorcist: Believer,’ ‘Lost in the Stars’ mga pelikulang magbibigay kilabot bago ang Halloween season
Ang “Concrete Utopia” ay base sa ikalawang kabanata ng hit webtoon na may titulong “Joyful Outcast.”
Mala-end of the world ang peg ng nasabing pelikula na kung saan ay iikot ang kwento nito sa mga survivors matapos mangyari ang isang napakalakas na lindol.
Dahil sa laki ng pinsala, isang building lamang sa Seoul ang nanatiling nakatayo mula sa mga pagguho ng lupa at ‘yan ang tinawag nilang Hwang Gung Apartments.
Habang tumatagal, tila napupuno na ang mga nakikitira sa nasabing apartment hanggang sa nakaramdam na sila ng banta sa kanilang buhay at naisipang gumawa ng espesyal na patakaran.
Ito ang “Sound of Freedom” na pinagbibidahan ng American actor na si Jim Caviezel.
Sa inilabas na pasilip, makikita na kinunan ito sa bansang Columbia.
Iikot ang istorya ng pelikula sa kabayanihan at hindi kapani-paniwalang mga pangyayari sa buhay ni Tim Ballard na ginampanan ni Jim.
Si Tim ay isang dating ahente ng gobyerno na naging “freedom fighter” na nagkaroon ng isang mapanganib na misyon kung saan kailangan niyang iligtas ang dose-dosenang mga bata mula sa human trafficking.
Unang ipinalabas ang “Sound of Freedom” sa Estados Unidos noong July 4.
Nanguna ito sa takilya na nakalikom na ng $182 million o mahigit P10.3 billion at patuloy pa rin itong umaarangkada kasunod ng pagpapalabas nito sa iba’t-ibang mundo.
Bukod diyan, nakakuha rin ito ng 99% na marka sa American film and TV review na Rotten Tomatoes.
Tampok din ang Academy Award Winner Mira Sorvino, Bill Camp, José Zúñiga, Eduardo Verástegui.
Ang pelikula ay mula sa produksyon ng Angel Studios na siyang nasa likod ng sikat na series na “The Chosen.”
Related Chika:
‘Strays’ handa nang magpaiyak at magpatawa, ‘Equalizer 3’ makikipagbakbakan na sa takilya