Ivana Alawi maglaba lang nang nakabukaka, milyun-milyon na ang views; pak na pak ang pagpasok sa ‘Batang Quiapo’

INAASAHANG mas tataas pa ang rating ng Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” sa pagpasok ng actress-content creator na si Ivana Alawi.

Isa si Ivana sa mga bagong cast members ng number one series ngayon sa Kapamilya Network na pinagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.

At in fairness, base sa mga nababasa naming comments sa social media, mas dumami pa ang male viewers ng serye nang pumasok na sa eksena si Ivana na sinasabing pantasya ngayon ng mga kalalakihan.

Sa napanood naming episode ng “Showbiz Now Na”, ang YouTube channel ni Nanay Cristy Fermin, kasama sina Romel Chika, at Wendell Alvarez, napag-usapan nila ang tungkol sa pagpasok ni Ivana sa “Batang Quiapo.”

Naniniwala rin si Nanay Cristy na lalong tataas ang dati nang mataas na rating ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa pag-eksena ni Ivana bilang bagong ka-tandem ni Coco as Bubbles.

Baka Bet Mo: Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

Chika ng batikang manunulat, “Alam n’yo naman po si Ivana Alawi, maglaba lang nang nakabukaka, ilang milyon na ang views. At siya po ay bahagi ng basang panaginip ng mga kalalakihan.”

Sey pa ng radio-TV at online host, parang mga ibong nagbabaan sa mga sanga ng puno ang mga kalalakihan kapag nakikita na nila si Ivana, lalo na kapag bumandera na sa social media ang kanyang sexy photos.

“Makita lang si Ivana Alawi e ang mga ibon na kumakanta-kanta, bumababa sa sanga at nakatanaw lang sa kaniya,” ang matalinhagang paglalarawan ni Nanay Cristy sa mga male fans ng sexy actress at vlogger.

Samantala, viral at trending ang 5-minute trailer ng “Batang Quiapo” na ipinakita last week na umani ng mahigit sa 10 million views.

Kaya naman last Monday, September 11, ay nagtala ang programa ng pinakamataas na viewership sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Nakakuha ng all-time high record na 478,297 live concurrent viewers ang “BQ” nitong Lunes at naniniwala ang management na dahil ito sa eksenang ginamot at nagkita sina Tanggol played by Coco at Bubbles na karakter ni Ivana.

At inabangan talaga ng manonood ang kissing scene nina Tanggol at Bubbles dahil talagang bigay na bigay ang dalawa tulad din ng nangyari sa kissing scene nina Coco at Lovi Poe as Mokang.

Related chika:

Beatrice Gomez naghahanda na para sa pagpasok sa showbiz; tutuparin din ang pangarap na Master’s degree

Francine Diaz deadma sa bashers: May masasabi’t masasabi sila sa ‘yo

Read more...