Jamie Rivera nag-join muna sa singing contest bago naging OPM icon at Inspirational Diva, 35 years na sa showbiz
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Jamie Rivera
NAG-JOIN din pala sa isang singing contest noon ang Inspirational Diva na si Jamie Rivera bago siya nadiskubre ng OctoArts Music bilang contract artist.
Ngayong taon nagse-celebrate ng kanyang 35th anniversary si Jamie sa entertainment industry at inalala nga niya ang mga pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siya.
Sa guesting niya sa “Magandang Buhay” nitong nagdaang Lunes, isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong naging bahagi ng mahigit tatlong dekada niya sa mundo ng showbiz.
“Nagpapasalamat ako, of course, sa Panginoon dahil the Lord sent me the right people in my 35 years. Inalagaan Niya ako.
“Pinadala Niya lahat, ‘yung mga manager ko na nag-alaga sa akin, ‘yung mga kaibigan ko na tumulong sa akin, ‘yung mga recording company na sumuporta sa career ko, mga naniniwala sa akin.
“So maraming salamat Lord because you sent me the right people in those 35 years,” pahayag ni Jamie.
Naikuwento rin ng veteran OPM artist na bago siya makilala sa showbiz, naging miyembro muna siya ng Metropolitan Theater Chorus noong dekada ’80.
“Pagkatapos noon sabi ko parang ayaw ko sa choir, parang gusto ko ako ‘yung nasa spotlight. Pero hindi ko sinasabi na nagsisisi ako roon, gusto ko lang mag-move on as a soloist.
“Pero nagpapasalamaat ako sa Metropolitan Theater dahil na-enhance ‘yung boses ko, doon ko narinig na ‘ay may boses pala ako,'” aniya pa.
Taong 1985 nang sumali siya sa isang singing contest at doon nga siya na-discover na naging simula nang kanyang career sa mainstream.
“After ng Metropolitan Theater, I joined the Musicmate Girls. Contest ‘yon, kukuha sila ng five winners, singing and personality contest. Tapos nanalo naman ako.
“Na-discover ako ng Network Entertainment, nina Tito Fritz Infante. From there I moved to Tita Dulce Lucban, mommy ni Pops (Fernandez) sa DSL.
“From DSL naman ipinakilala na nila ako sa OctoArts, kina Tita Aster Amoyo, sina Tita Aster inalagaan ako, doon na nag-start ang career ko,” pagbabalik-tanaw ni Jamie.
Ilang taon ang nakaraan, napili siya bilang isa sa cast ng musical na “Miss Saigon” at pagkatapos nito ay nag-asawa na siya hanggang sa magkaroon na rin ng anak.
“Nu’ng bata ka, gusto mo loves songs. So ang inspiration mo doon ay ‘yung sweetheart mo that time, ‘yung mga ganu’n.
“Tapos as you go along nag-Miss Saigon ako, siyempre ang gusto kong isulat naman ay ‘yung mga Broadway songs.
“After that, when I went back, nag-asawa ako of course ang inspiration ko na siyempre ang asawa ko na at anak ko.
“Later on naging inspirational singer ako, so it’s about God. So marami akong naging inspiration sa development ng career ko,” aniya pa.
Nang bumalik si Jamie sa eksena, nakilala na siya bilang “Inspirational Diva” dahil sa kanyang mga awitin na “Hiram sa Diyos” at “Jubilee Song.”
Siya rin ang nasa likod ng theme song para sa naging pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong 2015 na “We Are All God’s Children.”
Ilan pa sa mga pinasikat na kanta ni Jamie ay ang mga OPM hits na“I’ve Fallen For You,” “Pangarap Ka Na Lang Ba,” at “Hey It’s Me.”