Michelle Madrigal iwas muna sa social media, focus muna sa sarili at maayos na mental health

Michelle Madrigal iwas muna sa social media, focus muna sa sarili at maayos na mental health
NAGDESISYON ang dating aktres ns si Michelle Madrigal na itigil muna pansamantala ang paggamit ng kanyang social media accounts.

Base sa kanyang last upload sa Instagram, nagpaalam na ito sa kanyang followers na pansamantala muna itong magpapahinga sa social media.

“I’ve logged off/deleted my social media apps temporarily,” panimula ni Michelle.

Aniya, nagdesisyon siyang huwag munang mag-social media para mag-focus sa kanyang sarili.

“I have decided to step away from these platforms indefinitely to work on myself and deepen my relationship with the Lord. Summer gave me an opportunity to look inward and reflect on myself,” pagpapatuloy ni Michelle.

Isang magandang desisyon daw ang kanyang pananahimik sa nakalipas na mga linggo sa social media.

Baka Bet Mo: Michelle Madrigal hiwalay na sa dyowang afam, may hugot sa isyu ng ‘healing’?

“The last couple weeks of silence, prayers and isolation has been the best decision for my mental health. Learning through meditation, community, sobriety, celibacy, and healing as I go through the journey of becoming the woman God intended me to be,” sey pa ni Michelle.

Dagdag pa niya, “You become what you consume.”

Sinabi rin ni Michelle na hindi niya nababasa ang mga messages sa kanya sa socmed kaya daw mas maiging i-message o tawagan na lang siya sa kanyang mobile number o kung hindi nito alam ang number ay i-message siya sa kanyang e-mail address.

Matatandaang noong Hulyo ay unang ipinahiwatig niyang single na siya at hiwalay na sila ng American dyowa niyang si Kyle.

“I’m 34. Divorced. Single. Mom of 1. Healing and happy,” saad ni Michelle sa caption ng in-upload niyang video sa Instagram.

Bago ang relasyon nila ni Kyle ay ikinasal muna sila ni Troy Woolfolk at nagkaroon sila ng isang anak na si Annika.

Related Chika:
Ex-sexy actress Ehra Madrigal umaming na-pressure noon kapag pinipilit magpapayat, gusto pa bang magbalik-showbiz?

Michelle Madrigal hindi makapaniwalang pumapasok na sa school si Anika: ‘Where the heck did time go?’

Read more...