Zia Dantes hindi pa pinapayagang gumamit ng cellphone at socmed nina Dingdong at Marian: ‘7 pa lang siya, huwag muna natin i-expose sa ganu’n’

Zia Dantes hindi pa pinapayagang gumamit ng cellphone at socmed nina Dingdong at Marian: '7 pa lang siya, huwag muna natin i-expose sa ganu'n'

Zia Dantes at Marian Rivera

SA edad na 7, bawal pang magkaroon ng sariling social media account ang panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, hindi pa nila pinapayagan ni Dong si Zia na gumamit ng social media dahil feeling nila hindi pa ito ang tamang panahon para sa bagets.

“We will not allow that muna sa ngayon. Sigu­ro kapag nasa tamang edad na siya. May isip na siya ng tama.

“So siya ang magde-decide kung anong gusto niya. But for now, seven years old pa lang parang huwag na muna natin i-expose sa ganu’n,” paliwanag ni Marian sa Solmux Advance Jam event ng UNILAB na ginanap sa SM North Edsa nitong nagdaang Sabado.


Pero anong edad nila planong bigyan ng pagkakataon si Zia na maging active sa sarili niyang social media, sundot na tanong sa kanya “Usapan nila ng Daddy niya kapag 15 years old yata siya.”

Sa tanong kung may cellphone na ba ang panganay na anak, “Well kahit naman bigyan mo ng cellphone hindi din naman gina­gamit so wala.

“Tsaka nasa school siya simula 7 a.m. to 5 p.m. So pagdating sa bahay pagod na rin oras, tutulog na lang. Ang dami talaga activities nung anak ko so wala na,” sey pa ni Marian na talagang pinagkaguluhan sa naturang UNILAB event.

Naibalita rin ni Yanyan na magsisimula na ang shooting nila ni Dingdong para sa Metro Manila Film Festival 2023 na “Rewind.” Aniya, parang hindi na raw siya sanay umakting sa harap ng mga camera.

Bukod sa nasabing MMFF entry, nagte-taping na rin si Marian para sa Kapuso series nila ni Gabby Concepcion na “Against All Odds.”

Baka Bet Mo: Zia Dantes marunong nang maglaba ng underwear; Marian feeling back to zero sa pagbabalik-teleserye

“To be honest, sabi ko, nangapa talaga ako. Ang hirap mag-adjust. Hindi ko na yata alam yung anggulo ko. And then memorizing the lines again. Siyempre yung mga kasama ko dun, first time ko ring makasama.

“Pero after ilang weeks, naging okay na ako. Naka-adjust na rin ako. So looking forward ako palagi na mag-taping,” aniya pa.


Ipinagdiinan din niya na ang pagiging mommy pa rin ang priority niya pero kailangan din daw na magkaroon siya ng sapat na panahon para sa sarili. Nagbigay pa nga siya ng ilang advice sa mga tulad niyang working mom.

“Number one, kailangan talaga may time ka para sa sarili mo. Kailangan may me time ka kasi ‘yung me time na ‘yun doon mo mare-realize kung paano mo gagawin at ia-adjust ang mga bagay -bagay.

“Pangalawa, huwag puputulin kahit na may anak kayo huwag ninyo puputulin ang fire ng pagmamahalan ninyo ng asawa ninyo kasi nakakatulong din ‘yan especially si Dong very supportive talaga ‘yan sa akin, sa lahat ng ginagawa ko.

“So lahat ng action ko nandyan talaga siya, to support me. At malaking factor ‘yun para maging blooming ka. At nandyan ‘yung asawa ko para sabihin na I’m here to support you and you always talaga beautiful as always.

“Alam mo ‘yun nabo-boost talaga niya ‘yung confident mo for that one. And of course, the kids. Kapag may anak ka talaga iba na ang lahat. So sila lahat ng ‘yan talagang magkaka-combine. And of course, ‘yung faith mo sa Kanya kailangan hindi mawawala talaga,” sey pa ni Marian.

At sa tanong kung may plano na ba sila ni Dong for the third baby, “‘Wag muna ngayon. Ang dami ko pang gagawin. May soap ako, may movie ako, may TikTok ako. Sasayaw muna ako at ie-enjoy ko ‘yun.”

Samantala, si Marian nga ang naging special guest sa event ng UNILAB kung saan pormal ngang ni-launch ang mas pinalakas at mas pinabisang gamot laban sa ubong may plema, ang Carbocisteine + Zinc (Solmux Advance) Suspension.

Talaga namang napahinto at nanoood ang mga nasa SM The Block nitong nagdaang September 16 para sa Solmux Advance Jam event.

Bilang isang health advocate, nagbahagi ang wifey ni Dingdong kung paano niya inaalagaang mabuti ang sarili at ang kanyang pamilya. Hindi siya nagkokompromiso sa alam niyang dapat, tulad ng pagpili ng gamot sa ubo.

Ayon kay Marian, “Ang ubo, parang apoy ‘yan, mabilis lumala. Kapag hindi naagapan baka maging flu, pneumonia o bronchitis. Kaya dapat agapan, dapat advance.”

Zia tumatayong mommy ni Sixto kapag wala si Marian: ‘Matured na talagang mag-isip kaya nakaka-proud siya bilang ate’

Marian ipinaliwanag kay Zia ang pagiging artista nila ni Dingdong: Kailangan malaman niya kung ano ba talaga ang trabaho ni Mama at ni Dada

Read more...