Bea may inamin tungkol sa pagiging ‘mysterious’ ni Dennis; nailang sa muling pagtatambal sa ‘Love Before Sunrise’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Dennis Trillo at Bea Alonzo
NAGING super fan din pala ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang leading lady niya ngayon sa seryeng “Love Before Sunrise” na si Bea Alonzo.
Ito ang magsisilbing reunion project ng dalawang former Kapamilya stars sa GMA 7 makalipas ang mahigit dalawang dekada.
Sabay na ipinakilala sina Dennis at Bea bilang miyembro ng Star Circle Batch 10 sa ABS-CBN and after 20 years, muli nga silang pinagtagpo at itinadhanang makagawa uli ng proyekto together.
Ayon kay Bea, napakaswerte nila ni Dennis na sila ang napiling bumida sa “Love Before Sunrise” kung saan gaganap sila bilang ex-lovers na sina Atom at Stella.
“It feels familiar but at the same time it feels all new. It’s a different feeling but I like this feeling because there’s this level of trust.
“Kasi, pareho kaming ni-launch at the same time sa Star circle, so somehow, I feel na I can trust him,” ang chika ng aktres sa naganap na screening at mediacon ng “Love Before Sunrise” last September 16 sa SM Megamall cinema 2.
Kasunod nito, inamin nga ng dalaga na naging fan din siya ni Dennis, “I feel na kahit na magkalayo kami ng matagal na panahon, talagang naging fan niya ako from the sidelines. I would always cheer for him, I would always root for him in his different projects.
“I’ve seen him grow as a an actor so I just feel lucky and honored to be working with him on this show,” pagbabahagi pa ni Bea.
Inamin naman ng fiancée ni Dominic Roque na medyo may awkward feeling noong unang araw ng taping nila para sa “Love Before Sunrise.”
“‘Yung first day sa set namin, sa totoo, may ilangan. Ako, medyo naiilang ako kasi we had to do scenes na dapat nasa relationship na kami.
“Parang at first, medyo mahirap siya kasi siyempre kailangan niyo munang makilala ulit ‘yung isa’t isa.
“But then we’re professional actors so we got over that easily. We had to make the scene work. I just feel na nakatulong din ‘yun, kasi nga sabi ko kanina, may sense of him being familiar to me. ‘Yung tingin niya, ‘yung hawak niya, somehow I feel familiar,” lahad pa ni Bea.
Pero naniniwala ang aktres na malaki ang naitulong nang pagkailang nila sa isa’t isa sa ilang eksenang ginawa nila sa serye.
“I guess ‘yung mystery, kasi I think he’s very mysterious, I guess nakatulong ‘yun in terms of ‘yung quote-unquote falling in love stage naming dalawa,” pahayag pa ng Kapuso star.
Mula sa GMA Entertainment Group, ang “Love Before Sunrise” ay ang ikalawang historic collaboration ng GMA Network at Viu, ang sinasabing leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.
Tutukan ang world TV premiere ng “Love Before Sunrise” sa September 25 sa GMA Telebabad. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito sa Viu simula September 23.