Tindera sa isang food park may hidden talent, mga kumakaing customers napa-wow, napahiyaw nang bumirit

Tindera sa isang food park may hidden talent, mga kumakaing customers napa-wow, napahiyaw nang bumirit

PHOTO: Screengrab from Ela Marie Fortades

CERTIFIED biritera ang tindera sa isang food park na talaga namang napa-wow at napatigil sa pagkain ang mga customer.

Na-witness mismo ng BANDERA ang galing sa pagkanta at pagbirit ni Jaylyn na tubong Quezon City!

Noong una akala namin ay recorded music lang ang napapakinggan namin, pero kalaunan ay may mga naghiyawan na at tumayo upang videohan ang isang babae na nasa loob ng kanyang stall.

Doon lamang namin nakita at na-realize na tila nagco-concert na pala ang tinderang biritera sa kanyang pwesto na “J’s Laksa” kung saan ang tinitinda niya ay Malaysian food with Filipino twist.

Siyempre, gaya ng mga kasama naming customers sa Floring’s Plaza sa Lavender Street ng Marikina City ay aliw na aliw kami sa performance niya.

Ang nakakabilib pa, naaabot ni Jaylyn ang matataas na tono kahit siya ay nakaupo lamang.

Baka Bet Mo: Cebu City kinilala ang ‘kabayanihan’ ng 2 nursing students matapos sagipin ang tindera

Siyempre, hindi na namin pinalampas ang pagkakataon na chikahin siya, pati na rin ang ilan sa mga naging audience niya.

Nilapitan muna namin si Ela Marie Fortades, ang may-ari ng “Eazy Street Bar” na nagpakanta kay Jaylyn.

Kwento niya, “Opening po ‘nung bar namin and gusto kumanta ng mga friends ko. While singing, naalala ko po si Ate Jaylyn kasi sabi din po ‘nung ibang renters doon sa food park e singer daw po siya. So pinilit po namin siya kumanta ng friend ko (Zac Riveral).”

Ayon pa sa kanya, kahit siya raw ay nabigla at nagulat nang marinig niyang kumanta ang tinderang biritera.

“Grabe po! Sobrang tumaas yung balahibo ko kasi first time ko po marining siya kumanta tapos nakaupo lang po siya habang bumibirit,” sey niya.

Aniya pa, “And nagulat din po ako sa mga reaction ng mga customer doon sa food park. Lahat po sila na-amaze sa boses ni Ate Jaylyn! Hands down po talaga yung boses!”

Natanong naman namin mismo si Jaylyn kung matagal na ba siyang kumakanta dahil ang ganda at ang taas talaga ng boses niya.

Ang sagot niya, “Since 12 yrs. old po, biglaan lang po na nalaman ng mama ko na marunong ako kumanta kasi pinakanta po nila ako ng friend niya sa videoke.”

“Singer po ako sa banda dati, pero tumigil na po ako mula ng mawala mama ko. kaya nagtinda nalang [ako],” chika pa niya.

Ayon pa sa kanya, ito ang unang beses na kumanta siya sa foodpark dahil mahiyain daw talaga siya.

“First time ko pong napakanta. Wala po kasi akong lakas ng loob pag maraming taong nanonood. Napilitan lang talaga lalo’t makulit si Ella at Zac,” sambit ni Jaylyn.

Nang usisain naman namin kung ano ang reaksyon niya na talagang nag-enjoy sa kanyang performance ang mga customer na nanood sa kanya.

Pag-amin niya, “Nahihiya, pero deep inside happy kasi may nakaka-appreciate pa rin pala sakin.”

“Hindi po kasi ako sanay na maraming nakatutok na camera tsaka ‘yung marami talagang nag-chicheer,” patuloy niya.

Nabanggit din niya na marami ang nagtatanong sa kanya kung may plano siyang sumali sa mga singing contest in the future.

Para sa kanya, hindi ito sumagi sa kanyang isipan pero sakaling mabigyan ng oportunidad ay open naman daw siya.

“It never crossed my mind po kasi nga wala akong lakas ng loob lalo ngayon marami na po talagang magagaling na singer, but I’m not closing any doors po for opportunity if ever man,” ani niya.

Ilan lamang sa mga inawit ni Jaylyn ay ang mga pambirit na mga kanta katulad ng “Akin Ka Nalang” ni Morisette, “I Have Nothing” ni Whitnety Houston at “Through the Fire” ni Chaka Khan.

Related Chika:

Neri Miranda muling nagpasabog ng good vibes sa mga tindera: Pawisan, pagod, sakit sa likod at kamay, pero…

Read more...