TILA buhay na buhay ngayon ang karera ng aktres na si Liza Soberano matapos ilunsad ang bago niyang passion project.
Ito ang kanyang YouTube series na pinamagatang “Liza In Korea” kung saan ibabandera niya ang mayayamang kultura ng South Korea, pati na rin ang ilang sikat na celebrities nito.
“I had the most amazing time exploring Korea, and I can’t wait to share it with all of you,” sey niya sa isang Instagram post.
Kwento niya, “From the delicious food to the dynamic entertainment scene, I discovered so much about this incredible country.”
“But this series isn’t just about my adventures in Korea – it’s also about exploring and showcasing the vibrant culture of Korea,” paliwang niya.
Dagdag pa niya, “I’m excited to highlight some amazing businesses in the country and the unique experiences they offer.”
“I promise you won’t be disappointed! [Korean flag, red heart emojis],” pangako niya sa fans.
Ang 15-part series ay prinoduce ng Korean production company na JJ Global Group.
Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinunyag ni Liza na noong Abril pa sila nagsimulang mag-shoot para sa nasabing proyekto.
“This started back in April ‘yung filming and I was in Korea for 18 days,” chika ng aktres.
Sey pa niya, “Before filming, tinanong nila ako (Korean producers) kung ano ‘yung gusto kong ma-experience sa Korea and I just gave them a list of the things I wanted to do or people that I wanted to meet and they based the whole series around that.”
Samantala, nagkaroon ng komento ang dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz patungkol sa bagong project ng dalaga.
“Kasi si Liza, alam ng lahat na talagang Bts fan ‘yan sobra,” chika ni Ogie sa latest YouTube vlog niya na “Showbiz Update.”
Aniya pa, “Pumunta pa ‘yan ng ibang bansa para manood ng BTS tapos nagtagpo sila ni Arci Munoz, ‘diba? Tapos mag-isa lang siyang pumunta n’un ha. Ganun siya ka-fanatic ng BTS at ang bias niya ay si Jung Kook.”
Bigla namang sumingit ang kasama niya na si Tita Jegs at sinabing, “Sa Korea niya pala gusto, eh bakit sa Hollywood niya gusto magka-career?”
Depensa ni Ogie, “Alam mo sa panahon ngayon, ang importante happiness. Kung happy si Liza doing it, ibigay natin sa kanya ‘yun.”
Giit pa ng dating talent manager, “Tsaka kahit sa YouTube ‘yan, jusko ang laki na rin ng following ng YouTube, ibigay na natin sa kanya.”
Kung matatandaan, May 2022 nang kinumpirma ni Ogie na hindi na siya ang magma-manage sa aktres.
Kasabay niyan ay nilinaw rin ng showbiz columnist at talent manager na wala siyang sama ng loob sa dalaga matapos lumipat sa management ni James Reid.
“Ay, mamatay, wala. Wala. Kasi ganon nga akong tao. Kapag ang isang tao gusto ng growth, at feeling niya magkakaroon siya ng growth sa iba, ibinibigay ko kasi napakaimportante ng mental health,” saad niya.
Related Chika: