DepEd isasagawa na ang pilot testing para sa ‘Matatag’ curriculum, 35 schools ang napili

DepEd isasagawa na ang pilot testing para sa ‘Matatag’ curriculum, 35 schools ang napili

PHOTO: Screengrab from Facebook/DepEd Philippines

ISANG buwan mula ng inilunsad ang revised K to 10 program na “Matatag”curriculum, nakatakda nang umpisahan ng Department of Education (DepEd) ang “pilot testing” para rito.

Noong September 17, naglabas ang DepEd ng listahan ng mga napili nilang eskwelahan para ipatupad ang bagong curriculum.

Ayon sa ahensya, tig limang eskwelahan ang magiging parte ng kanilang programa na magmumula sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2, 7, 12, at Caraga – ang total ay 35 schools.

Magugunita noong August 10 nang inanunsyo ng DepEd na target na nilang bawasan ang mga itinuturong subjects sa mga estudyante sa ating bansa.

Baka Bet Mo: Barbie tiwalang hindi magloloko si Jak: Yung security namin sa isa’t isa talagang matatag

Nakasaad sa bagong curriculum na imbes na pito ay limang subjects na lang ang ituturo sa mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 10.

Ang focus na lamang diyan ay ang language, reading and literacy, mathematics, makabansa, at good manners and right conduct.

Makikita sa nakabanderang litrato ang listahan ng public school na sasailalim sa nasabing pilot testing:

Magsisimula ang pilot run sa September 25, ayon sa ahensya.

“We decongested the curriculum by 70 percent, which supports our focus on the essential skills of literacy and numeracy,” sey ni Jocelyn D.R. Andaya, ang Bureau of Curriculum Development Director ng DepEd.

Aniya pa, “[This will help reduce] overcrowding and [help focus] on the essential elements of learning,”

Ayon sa DepEd, uunti-untiin ang pagpapatupad ng Matatag curriculum na sisimulan na sa susunod na taon hanggang sa maisakatuparan na ito nang kumpleto pagdating ng taong 2028.

Narito ang breakdown ng ahensya kung kailan nila ipatutupad ang bagong curriculum:

  • Sy 2024 to 2025 —Kinder, Grade 1, Grade 4, Grade 7

  • SY 2025 to 2026 — Grade 2, Grade 5, Grade 8

  • SY 2026 to 2027 — Grade 3, Grade 6, Grade 9

  • SY 2027 to 2028 — Grade 10

Related Chika:

DepEd target bawasan ang subjects ng mga estudyante, ipatutupad ang bagong K to 10 curriculum next year

Read more...