HALOS aabot sa 200 ang mga estudyante na pinaniniwalaang sinapian umano ng masamang espiritu sa isang eskwelahan sa bayan ng Talibon sa Bohol.
Kwento ng nakasaksi na abogado na si Lenard Querubin, Isa sa mga estudyante ng San Jose National High School (SJNHS) ang biglang hinimatay sa gitna ng isinasagawang misa sa eskwelahan.
Bukod diyan, may mga bigla pang nangisay, habang meron ding hirap huminga at nagha-hyperventilate na.
Ayon kay Lenard, nasa eskwelahan siya mismo nang mangyari ito.
“Just this morning in San Jose National High School, Talibon, Bohol where a huge number of students exhibited unusual behaviors and fainted while attending Holy Mass,” saad niya sa isang Facebook post.
Baka Bet Mo: Vina Morales proud na proud sa ‘first honor’ na anak: She is growing up to be a responsible person!
Dahil diyan, hiniling na ng mayor ng Talibon na si Janette Garcia na iuwi ng mga magulang ang kanilang mga anak.
Nagpadala na rin ng responders ang provincial health office kung saan nasa 195 students ang dinala sa President Carlos P. Garcia Memorial Hospital ng nasabing bayan.
Ngunit ang mga na-admit pa lamang as of this writing ay dalawang estudyante.
Para sa kaalaman ng marami, ang SNHS ang pinakamalawak at pinakamalaking eskwelahan sa buong probinsya.
Ayon naman sa mga residente ng lugar, naniniwala sila na nakaranas ng “demonic possession” ang mga estudyante.
Naikwento pa nila na nagsimula ito noong nakaraang linggo kung saan ang ilang mga estudyante ay nakakakita at nakakaramdam umano ng mga espiritu sa eskwelahan.
Ang iba pa nga raw ay nakakita ng maitim na tao malapit sa balete tree na nasa loob ng paaralan.
Read more: