Ogie hindi nagustuhan ang pakikipag-live in ni Leila sa dyowang rapper, pero proud sa anak dahil hindi nanghingi ng pera sa kanya

Ogie hindi nagustuhan ang pakikipag-live in ni Leila sa dyowang rapper, pero proud sa anak dahil hindi nanghingi ng pera sa kanya

Ogie Alcasid, Leila Alcasid at Curtismith

KONTRA ang Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid sa pakikipag-live in ng kanyang anak na si Leila sa boyfriend nitong rapper na si Curtismith.

Naglabas ng saloobin ang “It’s Showtime” host sa ilang members ng entertainment media tungkol sa desisyon ng  panganay niyang anak sa dating asawang si Michelle Van Eimeren.

Nakachikahan namin si Ogie sa presscon ng kanyang upcoming show na “Ogieoke: The Concert” na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa September 29.

Kuwento ng singer-TV host, ilang araw siyang magbabakasyon sa Hong Kong kasama ang asawang si Regine Velasquez at ang mga anak na sina Nate at Leila.

Ang kanilang HK trip ay magsisilbi na ring birthday celebration ni Ogie dahil nasa Amerika siya nu’ng mismong kaarawan niya last month. Sey ng singer, gusto rin niyang magkaroon ng sapat na oras para makausap si Leila.


Inamin ni Ogie na hindi niya nagustuhan ang desisyon ng anak na magsama na sila ni Curtismith sa iisang bubong noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sabi raw niya kay Leila, “I said, ‘You know, I didn’t like what you did. Because, that’s something that I wished you talk to me about.’

Baka Bet Mo: Leila Alcasid nakipaglaban din sa isang uri ng eating disorder: I love my body…and I’m proud of myself

“However, nandiyan na yan, e, ginawa niya na yan. So, you want to be an adult, so you face life like an adult. And I’m proud that she didn’t ask money from me at all,” paliwanag ni Ogie.

Nag-usap na raw sila ni Michelle tungkol kay Leila, “But not at length. Pero nagkakasundo naman kami du’n sa mga punto na disagree kami sa anak namin.

“Kaya ito rin, kaya kami magho-Hong Kong, kakausapin ko na naman yung anak ko, di ba? Ano ba talaga yung… it’s my way also of having the time,” ani Ogie.

Sabi pa ni Ogie, “Like, I remember, minsan gagawin ko, sabihin ko sa anak ko, ‘Anak, tayong dalawa lang. Punta tayo Anvaya (Bali).’

“Tatantiyahin ko na taped na yung Showtime so tatlong araw kami du’n. Kaming dalawa lang. So, I have the time with her,” dugtong pa niya.

Sa tanong kung handa na ba siya sakaling magdesisyon na sina Leila at Curtismith na magpakasal, “In my mind, yes, but in my heart, no. Ang corny, ‘no?

“Yes. I’ve pretty much accepted that we’re gonna hit on that road sooner or later, and… kasi minsan pag nagkukuwento sina Gary (Valenciano)…kasi talagang ano na sila, e, sila ni Angeli (Pangilinan) like empty nest na talaga, e.

“Sabi ko nga, one day that’s gonna be me. Yeah I’m ready,” aniya pa.

Samantala, siguradong mag-eenjoy ang fans ng husband ni Regine sa “Ogieoke, The Concert” na mapapanood na sa September 29 sa Newport Performing Arts Theater.

“All the songs’ lyrics will be displayed, so the audience can sing along. Concerts can be formal and stiff. But I want this one to be fun and lively. I even wrote a song in which I incorporated some of my spiels.

“Next to chismisan, karaoke is the Filipinos’ next most popular hobby. Because singing is fun. It’s a way of releasing a lot of our stresses in life. It’s not really a new concept, but I thought it would be fun in a concert setting,” chika ni Ogie.

Ilan sa mga kantang napili ni Ogie para sa kanyang videoke-themed concert ay ang mga classic hits nina Frank Sinatra, Air Supply, Peabo Bryson, Barry Manilow at marami pang iba. For ticket inquiries, tumawag lang sa 0917 8189847 or 0917 8079387.

Leila Alcasid, Curtismith level-up na ang relasyon, suportado nina Ogie, Michelle at Regine

Louise delos Reyes sa pakikipag-live in sa BF: Parang kasal din, wala lang papel

Read more...