Banat ni Pokwang sa mga epal: ‘Hindi mo alam ang iyak ko sa gabi, hindi mo naririnig mga dasal ko dahil hindi ka Diyos!’

Pokwang hirap na hirap maging single mom, banat sa mga epal: 'Hindi mo alam ang iyak ko sa gabi, hindi mo naririnig mga dasal ko dahil hindi ka Diyos!'

Pokwang at Malia

HINDI talaga madali ang maging isang single at working mom at isa nga sa nagpatunay niyan ay ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang.

Nagsumbong si Pokie sa kanyang social media followers sa pamamagitan ng Instagram at ibinahagi ang mga hirap at sakripisyo na kanyang pinagdaraanan ngayon bilang single mom.

Sa isang video na ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram page, mapapanood ang anak niyang si Malia na bumababa mula sa isang sasakyan.


Sey ni Pokie, “Ang hirap maging single mom lalo na sa panahon ngayon, ako lahat! gastusin, oras sa bata, emosyon, ako lahat!

“Tapos nag failed ang relasyon ako parin ang nasisisi?? bitter ka! move on kana!” ang nakalagay sa caption ng kanyang post.

May isa pa siyang hugot na tila pasaring sa mga taong walang ginawa kundi ang makisawsaw sa buhay ng may buhay. Aniya, hindi raw alam ng mga taong ito ang pinagdaraanan niya araw-araw.

“Maging nanay ka muna bago mo i invalidate ang nararamdaman ng isang kagaya ko wag kang makasawsaw lang!

“Hindi mo alam ang iyak ko sa gabi kapag nagiisa na lang ako, hindi mo naririnig mga dasal ko dahil hindi ka Dios,” sey pa ng komedyana.

Baka Bet Mo: Hirit ni Pokwang sa mga bashers: ‘Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites’

Nauna rito, nag-post din si Pokwang ng video tungkol sa mga “iresponsableng husband”. Ni-repost niya ang video ni
Pastor Ed Lapiz na nangangaral sa mga magulang.

“Itong mga iresponsableng husbands ngayon, pinalaki ng mga nanay nila ‘yan na ganyan. Eighty percent (80%).

“Ang lagi nating dapat ituro sa bahay kapag may mga batang lalaki, teach them how to become good fathers and good husbands,” ang mariing pahayag ng pastor.

Patuloy pa niya, “Kasi kapag nakinig kayo sa lahat ng problema ng tao sa Pilipinas halos 4 yata out of 5 na babae iniiwan ng asawang lalaki.


“Tapos iniiwan na may mga anak na palalakihin. Bahala ka na sa buhay mo. Mga girlfriend na bubuntisin bahala ka na sa buhay mo.

“We must teach our men to become men because Forever boys. So maraming mga bahay yung mga batang lalaki basketball to death maghapon.

“Uuwi nagtututong mga medyas sa dumi lalabhan ni Ate. Tapos pagod na pagod, aakyat ‘Anong pagkain?’ Nagluluto si Ate saka si Nanay.

“So you will create another generation of spoiled men who will become irresponsible husbands,” paglalahad pa ni Ed Lapiz.

Ang inilagay namang caption ni Pokwang sa ipinost na video ng pastor ay, “Tabi tabi po….. real talk lang po….. tamaan wag magagalit…. (laughing face emoji).

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Read more...