Clara Benin hindi makapaniwalang may concert ulit after 7 years, ano-ano ang aabangan ng fans?

Clara Benin hindi makapaniwalang may concert ulit after 7 years, ano-ano ang aabangan ng fans?

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

ILANG araw nalang, concert na ng Pinoy pop artist na si Clara Benin!

Pinamagatan itong “befriending my tears” na nakatakdang mangyari sa Music Museum sa San Juan City sa September 22, 7 p.m. onwards.

Kamakailan lang, humarap sa entertainment press ang singer-songwriter upang mabunyag ang ilan sa mga dapat abangan ng fans sa kanyang upcoming concert.

Magsisilbing guest performers ang OPM singers na sina ena mori at syd hartha, habang ang kanyang ama na dating miyembro ng pop band na Side A na si Joey Benin ay makaka-duet niya sa stage.

“ena mori and syd hartha are both favorites of mine and I always feel inspired whenever I watch them perform and I think that my fans will really enjoy their performances as well as they open the show,” pagbabahgi ng singer.

Kwento pa niya, “Everytime I have a big show, I always want to make sure that I get to perform with my dad kasi that’s something that is very special for both of us.”

“That’s something we bond with growing up. We always listen to music, we always jam at home. So it’s a cool experience that we get to do this on stage in front of people,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Clara Benin may bagong hugot song tungkol sa ex-dyowa noong nasa probinsya

Natanong din ng BANDERA kay Clara kung ano ang pakiramdam niya na muli siyang magtatanghal sa sarili niyang concert makalipas ang pitong taon.

Magugunita kasi na taong 2016 pa nang huli siyang magtangahal kung saan sold out ang kanyang two-night concert sa Teatrino Greenhills.

Ayon sa kanya, bukod sa hindi siya makapaniwala ay lubos din siyang nagpapasalamat sa kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.

“It feels surreal! I’m so grateful that I’m still get to do this,” sagot niya.

Dagdag pa niya, “I’ve been doing this for almost ten years now and been performing for ten years now, and yeah, just very very grateful that people still care, you know, want to come to my show and listen to my music.”

At bilang pag-promote sa kanyang bagong album ang concert, naitanong din namin sa kanya kung anong kanta mula sa nasabing album ang nakaka-relate pa rin sa kanya until now.

Para sa kanya, ito raw ang “imposter syndrome,” ang main track ng kanyang bagong album.

Paliwanag ni Clara, “Kasi I feel like I go through that everyday, especially now that with the concert coming.”

“Parang everyday I have to battle that feeling of, like, self-doubt and insecurities parang, ‘Kaya ko ba ‘to?’ or ‘am I messed up on stage?’, ‘what people gonna think?,’ that’s something I think about everyday and that’s something that I face and have to battle everyday,” saad niya.

Magugunitang una nang ibinunyag ng pop singer na bukod sa mga kanta sa kanyang album, kakantahin din daw niya ang ilan pang mga paboritong awitin ng kanyang fans.

“I haven’t performed a very long set in a while,” sambit niya.

Ani pa ng singer-songwriter, “You can expect to hear all the new songs from my album and, of course, some old favorites.”

Pagkatapos ng show, magkakaroon daw ng concert tour ang singer dito sa Pilipinas at posible rin sa Asya.

“After the show, we’re planning on going on tour around Manila, around the Philippines and hopefully around Asia,” ani niya.

As of this writing, almost sold out na ang tickets para sa “befriending my tears, a Clara Benin concert” na mabibili via SM Ticket online at select outlets nationwide.

Related Chika:

Clara Benin naglabas ng bagong kanta, inspired sa lumang pelikula

Read more...