‘Wolverine’ star Hugh Jackman, misis na si Deborra-Lee hiwalay na

‘Wolverine’ star Hugh Jackman, misis na si Deborra-Lee hiwalay na

PHOTO: Instagram/@thehughjackman

MAKALIPAS ang 27 years na kasal, hiwalay na ang sikat na Hollywood actor na si Hugh Jackman at ang kanyang misis na si Deborra-Lee.

Ikinumpirma ‘yan mismo ng US media na People magazine matapos makatanggap ng pahayag mula sa ex-couple.

“We have been blessed to share almost (three) decades together as husband and wife in a wonderful, loving marriage,” saad sa joint statement.

Lahad pa, “Our journey now is shifting and we have decided to separate to pursue our individual growth.

Bagamat hiwalay na sila, tiniyak ng dalawa na prayoridad pa rin nila ang kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: ‘Wolverine’ star Hugh Jackman panay ang pa-check up, posibleng bumalik ang skin cancer

“Our family has been and always will be our highest priority. We undertake this next chapter with gratitude, love, and kindness,” sey ng dalawa.

Nagpasalamat din ang dating mag-asawa sa fans na umintindi at nirespeto ang privacy ng kanilang sitwasyon.

“We greatly appreciate your understanding in respecting our privacy as our family navigates this transition in all of our lives,” ani sa pahayag na nagsabi na wala na silang ilalabas na iba pang detalye.

Kung maaalala, nagkakilala sina Hugh at Deborra sa isang set ng Australian TV series noong 1995.

Makalipas ang isang taon ay ikinasal sila at biniyayaan ng dalawang anak.

Magugunitang kasabay ng wedding silver anniversary ng dating mag-asawa, inilarawan ni Hugh ang kanilang pagsasama na “natural as breathing.”

“From nearly the moment we met… I knew our destiny was to be together. In our 25 years – our love has only grown deeper,” wika sa dating social media post.

Ani pa ng veteran actor, “I’m forever grateful to share our love, our life – and, our family together. We’ve only just begun. Deb, I love you with all my heart!”

Ilan sa mga pinagbidahang pelikula ni Hugh ay ang hit movies katulad ng “X-Men” series, “Chappie,” “Pan,” “The Greatest Showman,” at  “Les Miserables.”

Related Chika:

Read more...