INSPIRASYON para sa maraming magulang ang latest social media post ng veteran journalist at news anchor na si Karen Davila.
Paano ba naman kasi, ang kanyang anak na si David na may autism ay isa nang college freshman sa University of the Philippines!
Sa isang Instagram post, proud na ibinandera ni Karen ang ilang mga litrato kung saan makikita ang first day ng anak sa unibersidad noong September 13.
“PROUD OF YOU DAVID. Wow! This day!” caption ng journalist sa IG.
Wika pa niya, “David, now a freshman at the UP College of Fine Arts for the Associate in Arts undergraduate program!”
“Last May 2023, David took the talent determination test along with hundreds of students at the UP Diliman campus. No parents allowed during testing,” kwento ng news anchor.
Saad pa niya, “By June, we got the letter that David made it! My heart was bursting with joy!”
Baka Bet Mo: #WowMali: Kara David napagkamalang si Jessica Soho habang tumatakbo sa UP Diliman
Kasabay niyan ay lubos niyang pinasalamatan ang kanyang alma mater – ang UP Diliman, pati na rin ang College of Fine Arts dahil mas pinili raw nito ang “inclusivity.”
Taos puso rin ang kanyang pasasalamat sa mga guro ni David sa Vanguard Academy dahil ginabayan daw nito ang kanyang anak upang mapaghandaan ang pagtungtong sa kolehiyo.
“Preparing a child in the autism spectrum for college takes a lot of support and planning,” sey ni Karen.
Patuloy niya, “It is true, ‘It takes a village to raise a child.’ Even more so, a child with special needs.”
“Thank you teachers, David is in college because of all of you. I hope this serves as an inspiration to my co-parents out there!” aniya.
Mensahe pa niya sa anak, “David, you continue to defy limitations and expectations. You are God’s miracle.”
Siyempre, tuwang-tuwa rin ang maraming fans at ilang kapwa-celebrities sa naabot na bagong milestone ni David.
Narito ang ilan sa mga nabsa namin sa comment section:
Komento ng komedyana na si Candy Pangilinan, “So happy for you mommy! I am in tears.. joyful and hopeful for our kids as well. Good Job mom!”
Saad ng TV host na si Bianca Gonzalez, “This is so inspiring [holding back tears emoji] You keep working so hard David, this is so well deserved! Congratulations, David and to the proud, loving and supportive parents Karen and DJ!”
Sey ng isang IG user, “Karen, I’m so so proud of our dearest David and of you! Can’t wait to see him bloom even more and create more art!”
May nag-comment rin na fan na ang sabi, “Oh wow! So proud of our dearest David!!!! Grabe! David , you are a living testament of love in action and God’s grace! Congratulations!”
Ilan pa sa mga personalidad na nagpaabot ng kanilang “congratulatory” messages ay sina Isabelle Daza, Pops Fernandez, Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, Noel Ferrer, Vina Morales, Pia Cayetano, at marami pang iba.
Kung matatandaan, tatlong taong gulang si David nang ma-diagnose siya ng Pervasive Developmental Disorder, Not Otherwise Specified (PDD/NOS) in the Autism Spectrum.
Taong 2020 at 2021 nang makaranas at malagpasan ni David ang dalawang full-blown seizures.
Related Chika: