Celeste Cortesi may tiwala na makukuha ni Michelle Dee ang Miss Universe crown: I really believe in her!

Celeste Cortesi may tiwala na makukuha ni Michelle Dee ang Miss Universe crown: I really believe in her!

Celeste Cortesi, Michelle Dee

NANINIWALA si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na maiuuwi ng ating pambato na si Michelle Dee ang ika-limang Miss Universe crown ng Pilipinas.

‘Yan ang inihayag mismo ng beauty queen matapos makapanayam ng ilang miyembro ng entertainment press sa naganap na black carpet ng Preview Ball 2023.

“Of course, I believe in her,” sagot ni Celeste nang tanungin patungkol sa nalalapit na laban ni Michelle sa international pageant.

Dagdag pa niya, “You know that she’s been preparing so hard since we were batchmates. I really believe in her.”

Baka Bet Mo: Michelle Dee tanggap ang pagkatalo kay Celeste Cortesi; hindi pa rin isusuko ang pangarap na Miss Universe crown?

Magugunitang bago pa tanghalin bilang Miss Universe Philippines 2023 si Michelle ay nauna siyang koronahan bilang Miss Universe Philippines-Tourism noong nakaraang taon kung saan ang nag-reyna that time ay si Celeste.

Matatandaan din na si Michelle ang nagwagi ng Miss World Philippines noong 2019.

Anyway, may iniwang payo si Celeste para sa ating pambato sa Miss Universe competition.

“I think she just needs to believe in herself and just have fun during the competition,” mensahe ni Celeste.

Ani pa niya, “For me, I would be more than happy to finally see the Philippines winning Miss Universe. Good luck to her.”

Nakatakdang lumaban si Michelle sa nabanggit na international pageant sa darating na November 18 sa El Salvador.

Makukuha kaya niya ang ika-limang korona ng Pilipinas?

Ang mga nagwagi na ng Miss Universe title mula sa ating bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Ang reigning title holder naman ng Miss Universe ay ang Filipina-American beauty queen na si R’Bonney Gabriel na representante ng USA.

Samantala, sa kabila ng paghahanda para sa nalalapit na laban sa international stage ay opisyal na sumabak sa military training si Michelle upang maging parte ng Philippine Air Force.

Related Chika:

Read more...