Arjo Atayde lalaban sa Asia Contents Awards 2023, nominadong ‘Best Lead Actor’ dahil sa ‘Cattleya Killer’

Arjo Atayde lalaban sa Asia Contents Awards 2023, nominadong ‘Best Lead Actor’ dahil sa ‘Cattleya Killer’

PHOTO: Instagram/@arjoatayde

NAKATANGGAP ng nominasyon ang actor-politician na si Arjo Atayde para sa “Best Lead Actor” award sa Asia Contents Awards (ACA) ngayong taon.

Ito ay para sa mahusay niyang pagganap bilang “Anton dela Rosa” sa crime series na “Cattleya Killer.”

Ang masayang balita ay inanunsyo mismo ng ABS-CBN International Production sa kanilang official Instagram page noong September 12.

“He’s killing it!” wika sa IG.

Sey pa sa caption, “We are pleased to announce that Arjo Atayde is nominated for Best Lead Actor in this year’s Asia Contents Awards for his role as Agent Anton dela Rosa in premium drama series, #CattleyaKilleronPrime!”

Baka Bet Mo: ‘Cattleya Killer’ ni Arjo Atayde eeksena sa MIPCOM Cannes festival 2022; nangangamoy best actor na naman

Ilan lamang sa mga makakalaban ni Arjo para sa nasabing parangal ay mga nagmula pa sa mga bansang South Korea, Thailand, Japan at China.

Para sa kaalaman ng marami, ang ACA ay isang award-giving body na naka-base sa Busan, South Korea na naglalayong ipagdiwang ang mga tagumpay ng mahusay na contents na ginawa para sa TV, OTT, at online sa buong Asya.

“This year’s ACA joins forces with the International OTT Festival, co-hosted by the Ministry of Science and ICT and Busan Metropolitan City– expanding its topography from Asia to the world, embracing changes in the growing content industry, and encouraging domestic and international well-made content,” saad pa sa post ng ABS-CBN.

Ang awarding ceremony ay magaganap sa October 8 sa Busan Cinema Center sa South Korea.

Bukod sa  “Cattleya Killer,” Kilala rin si Arjo sa iba pa niyang mga proyekto katulad ng “Bagman,” “Ang Probinsyano,” “The General’s Daughter,” “Hanggang Saan,” pati “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” kung saan niya nakilala ang kanyang misis na aktres na si Maine Mendoza.

Sikat din ang aktor sa kanyang award-winning film na “Topakk” na binigyang-kilala sa prestihyosong Cannes Film Festival sa France at sa Locarno Film Festival na naganap naman sa Switzerland.

Related Chika:

Arjo gustong magkaroon ng 3 anak; Maine proud fiancée matapos mapanood ang ‘Cattleya Killer’: Napakahusay! Galing-galing!

Read more...