Gello Marquez feeling champion pa rin kahit nganga sa ‘Idol PH’, may sarili nang album: ‘There’s winning in losing’
By: Alex Brosas
- 1 year ago
Gello Marquez
NANINIWALA si Gello Marquez na hindi “be all, end all” ang pagkatalo niya sa kanyang unang sinalihang singing competition.
Iyan ay sa first season ng reality singing search na “Idol Philippines” ng ABS-CBN kung saan naging grand champion si Zephanie Dimaranan noong 2019.
Sumali si Gello sa nasabing reality-based music competition four years ago pero hanggang Do or Die round lang ang kanyang inabot.
But more than losing, naniniwala si Gello na there’s winning in losing.
“Meron po dahil kapag natatalo ka doon ka nagiging eager na mas matuto. Not everyday ay nananalo ka sa buhay, pero everyday kang natututo dahil meron kang pagkukulang. So, yeah, there’s winning in losing,” say niya sa mediacon for his newly released debut album under Star Music.
Para kay Gello, ang music ay isa ring form of “expression.”
“Kapag nakikinig ako ng kanta hindi lang ako nakikinig ng kanta. Parang nakikinig ako ng kanta depende sa kung ano ang mood ko. Parang doon niya nabu-boost ‘yung energy na alam mong hindi basta-basta lalabas,” say niya.
Para sa kanya, may mga awiting nakakapagpa-happy, may mga songs na nakakapag-set ng mood sa kanyang araw.
There are also songs na ang feeling niya ay nakakapagpagaan ng kanyang loob kapag siya ay nalulumbay.
“Pag gabi, gusto kong mag-emote, nakikinig din ako ng songs. Parte po talaga siya ng buhay ko,” say niya.
Marquez’s self-titled album has seven Filipino tracks including “Hanap Kong Baby,” “Kumot At Unan,” “Duda-duda,” “Kaibigan,” “Teddy Bear,” “Torpe,” and his first single “Penpen” released last month. The easy listening tracks were chosen based on his affinity for old songs.
“It’s a modernized version of old songs kasi sobrang love ko yung mga lumang kanta,” say niya about his album.
Sa kantang “Penpen,” ikinukumpara ng “He’s Into Her” at “Love Bites” actor ang pag-ibig sa larong Pinoy na “Penpen de Sarapen.” Isinulat ito nina Allan G. Alveyra Jr. at Karl James Fabregas.
Sa inilabas naman na “Penpen” music video, nakasama ni Gello ang BGYO member na si Akira Morishita at dating “Pinoy Big Brother Otso” housemate na si Ashley del Mundo sa isang love triangle story kung saan sinusubok niyang itago ang nararamdamang pag-ibig.
Mapapakinggan na ang debut album ni Gello sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.