MALAYA nang sumali ang mga kababaihan mula sa kahit na anong edad sa Miss Universe matapos tanggalin ng organisasyon ang pagkakaroon ng age limit simula 2024.
Base sa statement na inilabas ng mismong organisasyon sa pamamagitan ng Instagram story ngayong Miyerkules, September 13, tuluyan na nilang tinatanggal ang restriksiyon sa edad para sa mga kandidatang nagnanais sumali sa prestigious international beauty pageant.
“The Miss Universe Organization announces the elimination of all age limits across all Miss Universe and associated pageants.
“This change will apply for all 2024 pageants globally.
“Starting then, every adult woman in the world will be eligible to compete to be Miss Universe,” ayon sa organisasyon.
Ang magandang balita ay ibinahagi rin ni R’Bonney Gabriel sa kanyang naging interview sa digital magazine na Women’s Wear Daily.
Ayon sa Miss Universe 2022 titleholder , isa sa mga nagustuhan niya sa organisasyon ay ang patuloy nitong paggawa ng paraan para mas maging inclusive para sa kababaihan ang international beauty pageant.
Baka Bet Mo: Miss Universe PH 2023 Michelle Dee umaming bisexual: ‘I’m attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes’
“What I love about Miss Universe is that they are always out first in line, looking for ways they can be more inclusive and better live up to the platform that they’ve designed for us.
“It’s a bold group of women in charge over here, and you know what, a lot of people tend to follow what we do — it’s nice to be a standard-bearer, and I’m proud that we get to do this,” pagbabahagi ni R’Bonney.
Si Si R’Bonney ang pinakamatandang titleholder bilang Miss Universe sa history ng prestigious international beauty pageant.
Bukod rito, nauna na rin siyang maghayag ng saloobin ukol sa age limit na isa sa requirement sa pagsali sa naturang patimpalak.
Saad ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, “I answered an onstage question: ‘If you were going to make any changes to the organization’s rules, what would they be?’
“I said to raise the age limit. When I competed, the age limit was 28, and I was 28 at the time.
“So, my answer was that I think we should change this — a woman’s ability to compete at Miss Universe, or anything in life, shouldn’t be defined by her age. Age should just be a number.”
Mula nang magsimula ang international beauty pageant noong 1953 ay nasa requirements na nito na dapat ay mula 18 hanggang 28 years old lang ang maaaring sumali.
Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng pagbabago sa mga qualifications para makasali sa Miss Universe.
Noong 2018, nauna na nilang ipinatupad ang pagpayag sa mga transgender woman na sumali sa patimpalak.
Si Angela Ponce mula sa Spain ang kauna-unahang transgender woman na sumali sa Miss Universe.
Noong 2023 naman ay tumanggap na rin ito ng mga kandidata na may asawa, diborsiyada, at buntis simula nang mabili ito ng Thai billionaire at trans woman na si Anne Jakrajutatip.
Samantala, magaganap ang 72nd Miss Universe pageant sa El Salvador sa November 18, 2023.
Related Chika:
R’Bonney Gabriel proud sa pagiging Pinoy: Mabuhay Philippines! Maraming, maraming salamat sa lahat ng tulong n’yo!
Pagkapanalo ni Michelle Dee kinuwestiyon, mas deserving daw magwagi si Miss Bohol Pauline Amelinckx