Aga nagluluksa sa pagpanaw ng talent manager na si Ethel Ramos: ‘We’ve talked about death so many times that we both know we are ready’

Aga nagluluksa sa pagpanaw ng talent manager na si Ethel Ramos: 'We’ve talked about death so many times that we both know we are ready'

Ethel Ramos, Aga Muhlach at Charlene Gonzales

NANG ianunsyo ng pamilya ng tinaguriang Dean of Entertainment Writers na si Manay Ethel Ramos ang pagpanaw nito kahapon, ay maraming kasamahan sa panulat at mga personalidad ang nagpahatid ng pakikiramay.

Inaabangan ng lahat ang post ng aktor na si Aga Muhlach na itinuring nang parang tunay na anak ni Manay Ethel dahil nakailang pelikula palang noon ang aktor nang hawakan nito ang kanyang karera at umabot sa tatlong dekada ang kanilang pagsasama.

Alam nang lahat kung ano ang pinagdaanan nina Manay Ethel at Aga sa isa’t isa, through thick and thin ay magkasangga sila sa lahat ng oras hanggang sa korte.

Nitong 2022 ay nanalo sina Manay Ethel at Aga dahil binayaran sila ng damages ng isang advertising company na umabot pa sa Court of Appeals ang desisyon.

Si Manay Ethel ang sumasalo sa lahat ng bala para kay Aga dahil sa mga panahong hindi pa ganu’n kaseryoso sa buhay ang aktor ay marami ang pumupuna sa kanya at laging nandiyan ang manager niya para ipagtanggol siya.


Saksi rin kami kapag nali-late si Aga sa mga shooting niya noon sa pelikula at photoshoot, kaagad tatawagan ni Manay Ethel ang mga taong involved at sasabihing on the way na ang aktor.

Nakakaaliw ang mga kuwento ni Manay Ethel pagdating kay Aga dahil marunong itong maglambing kapag alam niyang mainit na ang ulo niya kaya mahal na mahal niya ang aktor.

Hanggang sa nagkalapit na sila ng napangasawang si Charlene Gonzales-Muhlach ay mas nakakaaliw pa dahil ang mommy ng dating TV host-actress na si Ms. Elvie Gonzales na ang kausap ni Manay Ethel tungkol sa dalawa.

Tanda namin kahit na noong Viva na ang nagma-manage sa career ng aktor ay si Manay Ethel pa rin ang tanungan ng lahat pero kaagad nitong ipinapasa ang inquiries sa Viva hanggang sa muling magkasama ang dalawa.

Si Manay Ethel ang piping saksi sa lahat ng nangyari sa buhay ni Aga at laking pasalamat nito nang lumagay na sa tahimik ang aktor dahil naging responsable at ideal husband na ito kay Charlene at sa kanilang kambal na sina Atasha at Andres.

Baka Bet Mo: Wilbert pumalag sa patutsada ni Ethel; friendship ba o trabaho ang pipiliin?

Sabi nga ni Aga sa huling linya ng pakikiramay niya, “Ang Dami ko pa gusto sabihin…. D ko na din alam.. basta (broken heart and sad face emoji).”

Narito ang kabuuan ng Instagram post ni Aga kaninang alas-dose nang tanghali para sa namayapa niyang nanay-nanayan.

“Rest and go in peace my dearest ‘ta Ethel. Don’t even know where to begin… 30 years of love, laughter, arguments, tsismis, pangarap, hard work to name a few We all shared together and we just loved and embraced each other.

“I will miss you. I am forever grateful to you and what you’ve done for me. We’ve talked about death so many times that we both know we are ready. Lahat naman tayo dadating diyan.

“So much more to say but I’ll just leave it at this. Mahal ka naming lahat na tinulungan at minahal mo. Habambuhay ka sa puso ko.

“Pls pray for us na naiiwan pa dito. Rest in eternal peace dearest tita Ethel. I love you very much. Don’t worry about me, you’ve taught me so much in life. We’ll be just fine. Hurt, sad but kaya to.

“Again, rest in peace. You are with our creator now (emoji praying hands), Your son, Aga. Ang Dami ko pa gusto sabihin…. D ko na din alam.. basta,” mensahe ng aktor.

Ethel inalok ni Bea na maging surrogate mother ng magiging anak: Magkano ba? Ibubudol natin yan!

Ethel nasaktan sa inasal ni Madam Inutz kaya napa-gawa ng TikTok video

Read more...