Tatapusin na ng SANMIG | Bandera

Tatapusin na ng SANMIG

Barry Pascua - October 23, 2013 - 03:00 AM

 Laro sa Martes
(Araneta Coliseum)
8 p.m. Petron vs.
SanMig Coffee

UNDERDOG mang itinuring, patutunayan ng SanMig Coffee Mixers na sila ang itinadhanang mamayagpag at susungkit sa korona laban sa pinaborang Petron Blaze sa Game Six ng PLDT Telpad PBA Governors Cup best-of-seven championship series mamayang alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Mixers ay nakabangon sa 2-1 kalamangan ng Boosters nang sila’y magposte ng kambal na panalo sa Game Four (88-86) at Game Five (114-103)  para makuha ang 3-2 abante.

Kung magwawagi silang muli mamaya ay maibubulsa na ng Mixers ang kanilang ika-10 kampeonato sa kasaysayan ng prangkisa. Nanaig din ang SanMig Coffee sa Game Two (100-93).

Ito rin ang magiging ika-15 titulo kung sakali ni SanMig Coffee coach Tim Cone na magiging winningest coach sa PBA.
Sa Game Five ay dinaig ni Marqus Blakely ng SanMig Coffee si Elijah Millsap ng Petron sa kanilang personal na duwelo.

Tulad ng inaasahan, depensa ang naging susi ng koponan ni Cone para magtagumpay. At sinabi ni Cone na, “We will try to continue making things tough for Millsap, June Mar Fajardo and the rest of the Petron squad.”

Ang Petron Blaze, na iginigiya ng rookie head coach na si Gelacio Abanillla III, ay pumasok sa Finals na bahagyang paborito bunga ng 8-1 record sa elims.

Tinambakan ng Boosters ang Mixers sa Game One (100-84) at Game Three (90-68). Subalit hindi tumakbo nang maayos ang plays ng Petron dahil sa pagkakaroon ng foot injury ng lead point guard na si Alex Cabagnot.

Ito’y sa kabila ng pagpipilit ni Milsap na punan ang puwesto ni Cabagnot at maglaro bilang point guard. Kailangang bumuhos ng putos at mamayagpag sa ibang departamento ang Most Valuable Player na si Arwind Santos upang maitabla ng Petron ang serye at makapuwersa ng deciding Game Seven sa Biyernes.

Hangad ng Petron ang ika-20 kampeonato ng prangkisa. Ang iba pang inaasahan ni Abanilla ay sina Chris Lutz, Marcio Lassiter, Chico Lanete at Doug Kramer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakatunggali nila sina James Yap, Peter June Simon, Marc Pingris, Joe deVance at Mark Barroca.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending