NANININDIGAN ang kampo nina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon (TVJ) na pagmamay-ari nila ang official YouTube channel ng longest-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga.”
Ito ay matapos magkaroon ng access at kontrol ang Television and Production Exponents, Inc. o TAPE sa nasabing social media account.
Dahil diyan, naghahanda na ang kampo ng TVJ na gumawa ng hakbang upang kasuhan ang nasabing production company.
“The owner of the YouTube channel is the owner of the email used to register it. It is not TAPE,” sey ng abogado ng TVJ na si Enrique Dela Cruz Jr. sa ipinadalang pahayag sa INQUIRER.net noong September 9.
Dagdag pa niya, “The content of that YouTube account are past episodes of ‘Eat Bulaga.’ The copyright of the show and its episodes belong to TVJ.”
“We are preparing the appropriate legal action. This may constitute a cyber crime if they hacked into the account or made misrepresentations to YouTube,” ani pa ng abogado.
Kamakailan lang ay kinumpirma ng TAPE lawyer na si Maggie Abraham-Garduque na naibalik na sa kanila ang YouTube page ng show.
Baka Bet Mo: Sharon sumama ang loob dahil sa nangyari sa TVJ at TAPE Inc.: ‘Dapat inalagaan kayo, you didn’t deserve that’
Ito raw ay matapos silang makipag-ugnayan sa mismong video-sharing platform upang i-update ang email at contact person ng account.
“Yes, I confirm that TAPE Inc. regained access to its YouTube account. You can now enjoy watching ‘Eat Bulaga’ again via YouTube,” sey ni Abraham-Garduque sa isang pahayag.
Dagdag niya, “This is very important to us dahil gusto rin namin makaabot ang ‘tulong at saya’ even to our online viewers.”
“So sa ating mga Kapuso, please don’t forget to like and subscribe!” aniya pa.
Kung maaalala, noong Mayo nang nawalan ng access ang TAPE sa YouTube account ng noontime show.
Ayon sa mga ulat, hindi na nagawang i-turn over ang password at email ng nabanggit na account nang mag-alisan ang mga dating empleyado ng production company kasama ang OG hosts ng “Eat Bulaga.”
Binisita ng BANDERA ang YT account ng “Eat Bulaga” at nakita namin na may mga bagong content nang ipinost, pero naroon pa rin ang mga dating vlogs ng show at videos ng “Pinoy Henyo.”
Ang nakabandera na rin sa home page ng channel ay litrato ng bagong hosts kabilang na sina Paolo Contis, Isko Moreno at Buboy Villar.
As of this writing, may more than five million subscribers na ito at nasa mahigit 1.5 billion views na ang naka-post na mga video.
Related Chika:
Vice Ganda sa bangayan ng TVJ at TAPE: Parang tayo ‘yung casualty